Kasalukuyang kumukuha ng Bachelor in Clinical Medicine sa Peking University Health Science Center si John Carlo Combista. Tubong Cebu, at graduate ng Pharmacy, pinili ni John Carlo na mag-aral sa Tsina upang isakatuparan ang pangarap na maging doktor. Swerte naman at nakuha niya ang full study grant mula sa Chinese Scholarship Council.
Si John Carlo Combista (kaliwa), kasama si Mac Ramos (kanan) ng Serbisyo Filipino
Sa ikalawang episode ng Mga Pinoy sa Tsina tungkol kay John Carlo, aming napagkwentuhan ang kanyang pagsali sa mga aktibidad ng Tomorrow's Leader School sa Peking University. Kabilang dito ang fund raising para sa Beijing Hearing Society.
Noong 2017 tinanggap Carlo ang pagkilala mula sa Chinese Service Center for Scholarly Exchange para sa kanyang essay na "Future of Healthcare in China." Siya ang tanging Pinoy sa nasabing writing contest. Sa libre niyang oras hilig din ni Carlo ang pagkanta pero matindi ang stage fright ng medical student. Kanyang ibinahagi sa Mga Pinoy sa Tsina kung paano niya nalabanan ang takot at ginamit ang talento para maging Pinoy Pride pagdating sa kantahan sa iba't ibang entablado.