Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Imee Acosta at ang FilChurch Performing Group

(GMT+08:00) 2019-08-22 17:44:35       CRI

Sa nakaraang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Philippine embassy sa Beijing, itinanghal ang mga katutubong sayaw mula sa rehiyon ng Luzon, Visayas at Mindanao.

Apat na grupo ang game na game na nagpakita ng kanilang mga hidden talents at nagbuhos ng kanilang oras para sa pag-eensayo ng naturang palabas.

Para maging kinatawan ng Mindanao region, ang FilChurch ng Beijing International Christian Fellowship (BICF) ay nagtanghal ng Malong at Fan dance.

Hindi dito nagtapos ang kanilang pagbabahagi ng talento, dahil sa nakaraang Asia Dive Expo sa Beijing, muling inanyayahan ang grupo para ihabagi sa mga Tsino at mga dayuhan ang natatanging kultura ng rehiyon ng Mindanao.

Tubong Sultan Kudarat si Imee Acosta, at halos 2 dekada na siyang naninirahan sa Beijing. Sa kabila ng kanyang pagiging aktibo sa FilChurch Youth Group ng BICF, ang kanyang partisipasyon sa naturang malaking events ay ginawa niya sa kauna-unahang pagkakataon. Malaking karangalan ang maanyayahang maging "cultural ambassador" ayon kay Imee. Pero ano ang naging hadlang noon kung bakit di siya naging aktibo sa Filipino community events? Ano ang sikreto para maging maayos ang paghahanda para sa malaking cultural event sa Beijing? At higit sa lahat ano ang pinaka-importanteng bagay na nakuha niya sa naging karanasan? Ang lahat ng ito ay ikinuwento niya sa programang Mga Pinoy sa Tsina.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>