Ang relasyon ng Pilipinas at Tsina ay nasa mabuting kalagayan. Patunay dito ang masiglang kalakalan, dumaraming mamumuhunan at lumalawak na kooperasyon sa magkaka-angkop na sektor at industriya ng dalawang bansa.
Aming kinapanayam si Commercial Counsellor Glenn Penaranda upang ibahagi ang plano ng Philippine Trade and Investment Center Beijing hinggil sa isang plataporma na pwedeng gamitin ng negosyanteng Pinoy para makapasok sa napakalaking pamilihan ng Tsina. Ito ang 2nd China International Import Expo na gaganapin sa Nobyembre.
Sina Commercial Counsellor Glenn Penaranda (kaliwa) at Mac Ramos (kanan) ng Serbisyo Filipino
Noong 2018 sa 1st CIIE, matagumpay ang pagsali ng Pilipinas. Ayon sa datos ng PTIC-Beijing umabot sa US$124 Million ang benta ng mga produktong Pinoy. Ngayon taon, muling sasali ang Pilipinas para itampok ang mas maraming de-kalidad ng agri-products.
Bukod dito ibinahagi rin ni Ginoong Penaranda ang papel na gagampanan ng mga industrial parks at growth areas sa Pilipinas upang makaakit ng mga Chinese investors. Narito po ang one on one interview.