Mabunga ang ugnayan ng Pilipinas at Tsina dahil sa bumubuting relasyon ng dalawang bansa.
Sa nakaraang pagdalaw sa Tsina ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, ginanap ang Philippine-China Business Forum. Sinabi ng Pangulong Pilipino na umaasa siyang maisusulong ang partnership ng 2 bansa sa mga industriya ng bakal at konstruksyon.
Si Commercial Counsellor Glenn Penaranda ng PTIC Beijing
Umaasa ang panig Pilipino na kasabay ng paglaki ng mga Chinese enterprises sa ibayong dagat, mas lalaki rin ang pamumuhunan nila lalo na sa sektor ng konstruksyon. Naniniwala ang mga opisyal ng Pilipinas na ang patuloy na pagganda ng ekonomiya at ang construction boom ng bansa ay nag-aalok ng maraming magandang oportunidad.
Ito ang tinutukan ng Mga Pinoy sa Tsina. Pakinggan po natin ang interview kay Commercial Counsellor Glenn Penaranda ng Philippine Trade and Investment Center Beijing.