Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-19 2011

(GMT+08:00) 2011-05-30 18:20:31       CRI

Hindi ko akalaing noong Sabado, pagkaraang ihatid ko ang ilang biro na may kinalaman sa kung papaanong ilarawan ng mga husband ang kanilang matatabang asawa, sinimulan ang mainit na talastasan sa aming message board.

Sabi ni popsie: no worries, ate sissi, mamahalin ka parin namin kahit maging saksakan ka ng taba...

Fely: fat or no fat, beautiful or not quite so, a wife is a wife. you made a vow to love and care \"till death do you part.\"

Bernie: kung minsan naghahanap lang ng excuse ang mga boys para makapambabae. bad boys talaga...nakuuu, kakagigil...

Teray: di dapat magbago mga lalaki kahit tumaba misis nila. ibig sabihin lang hindi kunsumido sa kanila kaya tumataba.

When all comes to all, sobra ang pagiging conscious ng mga babae sa numero ng weighing scale. Actually, fat or not fat, pinakaimportante ang kalunsugan. Kung beautiful or not quite so, pinakaimportante kung ano ang tingin niyo sa inyong sarili. Just be yourself at magugustuhan ka ng iba. Promise.

Sabi ni sarah samudio: Christian greetings sa pop china at sa happy dj! censya na ngayon lang uli nakasent ng message.

Maraming maraming salamat sa pagkatig ninyo kay ate sissi at sa Pop China at regular na pipili ang Serbisyo Filipino ng Most Valueable Message Sender mula sa lahat ng kaibigang patuloy na nag-iiwan ng mensahe o nagteteks sa amin at padadalhan namin sila ng delicate souvenir items. Ok, balik-tanawin na natin ang tatlong pinakapopular na kanta noong nakaraang linggo.

Sa Ika-3, ang awiting "Sorry, suddenly, miss u much" na ibinigay ni Chris Lee.

Sa ika-2, "Rivers and Lakes", kuwento ng isang optimistikong kongfu player na kaloob ng Gary Gao.

Ang winner is "Field", boses bumaba mula sa Himalayas na hatid ni Han hong, sabi ni Josie: okay naman voice ni han hong. solved na rin ako.

Kung babalik sa inyong piling ang inyong ex-girlfriend o ex-boyfriend, ano ang sasabihin niyo sa kanya? Yayakapin ba niyo siya o sasampalin? Sabi nila pinakamaganda raw ang nagdaang pagmamahalan, dahil binubura ng panahon ang lahat ng sugat at sakit pero, nananatili pa rin ang mapait na alaala. Bilang dating prize winner ng Super Voice, at pagkaraan ng 6 na taong pagsisikap, si Huang Ya Lee ay nagsimulang kumutitap sa sirkulong musikal ng wikang Tsino. Ang latest niyang kantang "Ex-girlfriend" ay espesyal na patutugtugin ko para sa user ng mobile phone number xxxxxxx, Salamat sa kanyang request, may pagkakataon tayong kasiyahan ang kanyang ganun kapurong tinig.

Sweet, sweet, sweet, kahit hindi marunong mag-Mandarin, puwedeng maramdaman ng music fans ang sweetness na ipino-project ni Cindy Wong. Bilang sweetheart ng buong Taiwan at kilabot ng kalalakihan, isiniwalat ni Cindy na, sa private life, umaasa siyang magkaroon ng isang simple love at ang bagong kanta niyang "Stick Cindy" ay kinatha niya samantalang pinagmamasdan ang intimate act ng magnobyo at magnobya sa isang coffee shop. Sa pagmamahalan, be a sticker. Stick to one always.

Nakakahinayang, maagang nawala ang talented, guwapo at popular na si Danny Chan. Kinuha siya ng Maykapal noong siya ay 35 taong gulang pa lamang. Sa pagpanhik niya sa langit, nag-iwan siya ng hindi mabuburang alaala.

Pangarap ng tatay niya na si Danny ay maging isang negosyante at manahin ang family business; pero, maski noong bata pa lamang, ipinakita niya na siya ay may angking talino sa musika. Marunong siyang mag-gitara at magpiyano at noong siya ay 19 na taong gulang, sa pagkanta ng obrang kinatha niya mismo, siya ay nag-kampeon sa isang singing contest. Hanggang noong taong 1993, noong mamatay siya dahil sa brain fag, nanatili siyang pinakapopular na singer sa puso ng mga kabataan sa loob ng 13 taon. Ang naririnig ninyo ay ang kanyang classic hit na pinamagtang "love u only." Kahit halos 30 taon na sapul nang i-publisize ang kantang ito, nananatili itong mainit at kaakit-akit.

Kumusta po, Danny diyan sa langit? A classic is a classic. Hindi mababago ang kagustuhan ng music fans dito kahit sa paglipas ng panahon.

I-add ninyo ang aming Facebook account na filipinoservice@gmail.com

Pop China ika-18 2011
Pop China Ika-17 2011
Pop China Ika-16 2011
 

                           More


Back to Top                                                                                   Pasok sa Mtime

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>