Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-30 2011

(GMT+08:00) 2011-08-16 15:06:12       CRI

Una, sasagutin ko ang tanong ni buddy boy basilio tungkol sa double seven day o Chinese Valentine: so, di niyo siniselebreyt ang valentine kung february 14? ganun din ba celebration niyo? Actually, hindi palalampasin ng mga masiglang-masiglang kabataan ang mga pagkakataon ng pagpapakita ng pagmamahal at pakikipag-date sa kanilang loved ones. Kaya, ang presyo ng bulaklak ay kasingmahal sa araw ng February 14th at ang sinehan at restaurant sa February 14th ay kasingpopular ng sa double seven day, lalong lalo na, nitong nagdaang Double Seven Day na natapat sa araw ng Sabado, marami akong nakitang kalalakihan na may hawak na malalaking pumpon ng bulaklak sa kalye. Hindi ko matandaan kung sino ang nagsabi minsan na ang isa sa mga pangunahing papel ng nobyo o nobya ay…merong taong ibinibili ng regalo at bulaklak kung Valentine o kaarawan. Ok. Kayo, ano ang inyong palagay tungkol sa papel ng nobyo, nobya o asawa? Welcome na magteks sa 09212572397 o mag-iwan ng mensahe sa aming message board sa Filipino.cri.cn. Ibahagi ang inyong kuwento kay ate Sissi at may pagkakataong makatanggap ng souvenir item mula sa Serbisyo Filipino.

Kayo'y nasa China Radio International, progremang Pop China na inihahatid senyo ng inyong Happy, ah, no, romantic DJ na si S-I-SS-I, sissi. Tingnan natin ang tatlong pinakapopular na kanta para sa nakaraang linggo.

Sa ika-3, Theme song bagong sesyon ng Super Voice na ibinigay ni Vivi, Jiang Yingrong. Arm yourself para sa pangarap

Sa ika-2, "Pipit", isang kantang naglalarawan sa karanasan ng mga migrant worker na mula kay Wang Xv.

Ang winner ay "longing for", bagong kanta na ibinigay ng drama queen na si Ranie Yang.

Ngayong gabi, siguro dahil sa lunar gravitational force, pakiramdam ko parang restless ang puso at katawan ko, kaya, naghanda ako ng ilang dance music sa kagustuhang makapagdaos ng isang malaking party kasama ang mga music fans sa tabi ng radyo. ARE YOU READY?

Ang unang DJ na pumuta sa mixer ngayong gabi ay ang bandang Honor. bilang isang bagong bandang itinatag noong taglamig ng taong 2010, hindi katulad ng iba pang banda, liban sa lead singer, guitarist, bass player at drummer, may dalawang espesyal na miyembro ang bandang Honor na isang DJ at isang mixing engineer. May impluwensiya ng makabagong electronic music, umaasa ang bandang Honor na makakalikha ng isang bagung bagong karanasan ng dance music sa mga live house. Sa saliw ng kanilang bagong obrang , iunat ang inyong mga braso at magsayaw!

Pagkaraan ng konting warm up, pumalit sa mixer ang isang beteranong Disc jockey na si Lo, Jerry mula saTaiwan. Isinilang sa Los Angles, noong 17 taong gulang, ipinasiya ni Jerry na bumalik sa Taiwan at habang nag-aaral ng wikang Tsino sa high school ng mga overseas Chinese, nagtrabaho siya sa bar bilang Disc jockey at mula panahong iyon, sumikat ang kanyang katangi-tanging Jerry Style-- simple, optimistiko at may pagka-childish. Ang ilang dance music album na ipinalabas niya noong katapusan ng taong 1990s ay nagmonopolisa sa buong pamilihan ng dance music sa sirkulong musikal ng wikang Tsino. Ngayon, kahit may pagka-old fashioned nang konti ang kanyang beat, hindi rin nito maapektuhan ang ating dance step. Ok, magsayaw tayo kasama ng kanyang bagong obra .

Ang bandang isasalaysay sa bahagi ng Gramaphone ngayong gabi, actually, hindi matanda, para makipagkoordina sa theme ngayong gabi-dance music, make an exception, unahan ko sila sa pila. Bagama't hindi silang mahusay sa mixing, pero, ang kanilang mga classic hit ay naging pinakapoboritong materyal ng mga DJ.

Noong taong 1985, binuo ng tatlong kabataang lalaki ang isang bandang Grasshopper para lumahok sa isang singing contest. Bagama't hindi nagtagumpay sa bandang huli, nakuha naman nila ang appreciation ng isang super star at sinamantala ang tulong niya, pumasok sa sirkulong musikal. Mula sa unang pinakamababa na miyembro ng dance group hanggang pinakapopular na banda noong unang dako ng taong 1990s, sila, bukod sa masuwerte, ay nakatanggap pa ng malaking talent fee na ni hindi nila na-imagine. Sa kanilang hottest hits , magrelaks naman tayo para masarap ang tulog.

I-add ninyo ang aming Facebook account na "CRI Filipino Service"

Pop China Ika-29 2011
Pop China ika-28 2011
Pop China Ika-27 2011



 

                           More


Back to Top                                                                                   Pasok sa Mtime

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>