Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China ika-40 2011

(GMT+08:00) 2011-10-27 23:42:27       CRI

Kung gusto mong mag-tour sa Beijing, ngayon ang angkop na pahanon—taglagas. Taglagas kasi ang pinakamagandang panahon dito sa Beijing—katamtaman ang temperature (di-malamig at di mainit), hindi gaanong kalakasan ang ihip ng hangin at di gaanong dry. Bukod dito, makakakita rin kayo ng kulay dilaw-berdeng dahon na bihirang makita sa mga bansang tropikal. At dahil katatapos lang ng National Day holiday sa Tsina, hindi gaanong marami ang mga turista at madali ang komunikasyon. Pero, ang ating programa ay hindi travel program, kaya, kung gusto ninyong makakuha ng maraming impormasyon hinggil sa paglalakbay sa Tsina, tunghayan ninyo ang aming programang "Sa Palipaligid ng Tsina sa aming website na filipino.cri.cn.

OK, kayo'y nasa China Radio International at sa programang Pop China ng Serbisyo Filipino. Ito po si Ernest, ang vice happy DJ. Bigyang-daan muna natin ang mga mensaheng SMS mula sa masusugid na tagasubaybay ng programang ito.

Sabi ng 917477XXXX na Ako po si Ian at iyun pong hyuna iyun ang facebook name ko. Ito po bagong number ko."

Salamat po. Sorry po, may kabagalan ang reply. Hindi kasi madaling bisitahin ang Facebook dito sa Tsina.

Sabi ng 915807XXXX na Hi, Ate Sissi, iyong mga pinatutugtog ninyo lately mga songs ng Hong Kong Artists, alin po ba mula sa Mainland?

Ok, wait lang po kayo. Mamaya, ihahatid ko sa inyo ang awitin ng isang batikang mang-aawit mula sa Mainland ng Tsina.

Balik sa programa, ang unang awitin ngayong gabi na may pamagat na "My Everything," ay mula kay David Zee Tao. Sapul noong 2009, wala pang naipa-publish na bagong album si David; pero, kamakailan, dahil siya'y aktibong lumahok sa mga commonweal activity, pumunta siya sa mga mahihirap na nayon at personal na nakita niya ang kalagayan ng mga batang lokal, kaya, sinulat niya ang awiting ito para tawagin ang pansin ng higit na maraming tao sa ganitong uri ng mga bata upang mabigyan sila ng mas maraming tulong.

Di tulad ng magagandang kanta ni David Tao na may estilong R&B, romantiko, at Rock noong dati, sa awiting ito, hinaluan niya ng digital musical instrument element sa himig ng awit ng bayan, kaya mapupunang ang awiting ito ay may estilo ng mga kantang pambata, pero gumanap ng papel dito ang isang nasa hustong gulang. Umaasa anya siyang magiging masaya ang mga bata habang pinakikinggan ang awiting ito, at sa pamamagitan din nito, maihahatid sa mas maraming tao ang mga mithiing pagkalinga, taos-pusong pag-aasikaso at pagbibigay ng kaligayahan.

Kung ang bagong awitin ni David Tao ay nagmula sa pagkakalinga sa mga mahihirap na bata, ang susunod na awitin ay bunga ng pagbabalik-aral ng mang-aawit sa sariling karanansan at paglaki ng kalooban. Ang ikalawang awit na may pamagat na Hui Jia Lu Shang o On the way home, mula kay Penny Tai Pei Nee, isang magandang Malaysian Chinese Lady.

Si Penny Tai ay isang nagsasariling mang-aawit at mahusay lumikha ng iba't ibang uri ng mga kanta; pero, this time, bumalik siya sa isang uri ng simple at purong musika at likas siyang sumusulat ng awit depende sa kanyang damdamin. Tulad ng titulo ng awiting ito, ang estilo nito ay masaya, nakakapagpangiti at maganda. Bukod dito, sa pamamagitan ng awiting ito, ibayo pang napapatatag ang kompiyansa sa pagpapatupad ng pangarap sa musika at nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagmamahal, pagkakaibigan at kaniyang pamilya at mga kamag-anak.

Ang gandang awitin, di ba? Sa wakas, ang awiting Hui Bu Hui ng isang katutubong Chinese singer na si Yang Kun, mula sa mainland ng Tsina. May katangian ang tunog ni Yang Kun at lagi siyang kumakanta ng theme songs ng mga pelikulang Tsino.

Ang awiting ito ay theme song ng isang domestikong pelikula ng Tsina na Lost In Panic Room at siya ay kauna-unahang gumawa ng papel sa nasabing pelikula. Nakakaakit ang tunog ni Yang at musika ng awiting ito. Pero kung ang dalawang awitin kanina ay sumasalamin sa mga positibo at magandang bagay, ang awiting ito naman ay nagpapakita ng mga banta at hamon sa pagmamahal at pagkakaibigan. Kaya nakakaramdam po kayo ng kapanglawan at kalungkutan mula sa awiting ito.

Pop China Ika-39

Pop China Ika-38

Pop China Ika-37

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>