|
||||||||
|
||
Tinalakay natin noong nakaraan ang hinggil sa summer vacation. Sinabi natin na ito ay isang masaya at malayang panahon para sa mga estudyante dito sa Tsina, lalo na sa mga estudyante sa pamantasan at kolehiyo, dahil maari silang makapagtamasa ng 2 buwang bakasyon para gawin kung anuman ang gusto nilang gawin na gaya ng paglalaro ng computer games, panonood ng mga palabas at pagpunta sa ibang mga lugar para maranasan ang bagong uri ng pamumuhay. Gusto ba ninyong maglakbay? Ano ang paborito ninyong destinasyon? At ano magaganda ninyong karasanan hinggil dito?
Napapag-usapan din lang natin ang bakasyon, hayaan niyong ibahagi ko sa inyo ang kuwento ng 2 estudyante mula sa Peking University--sina James at Milky--hinggil sa kanilang paglalakbay sa kasalukuyang bakasyon. Si Milky ay bumisita sa Hilagang Korea, pinakamalihim na bansa sa daigdig at si James naman ay nagpunta ng Shangdong Province sa dakong Silangan ng Tsina.
(Narito ang kuwento ni Milky sa Hilagang Korea)
Milky: Naglakbay ako sa North Korea noong buwan kasabay sa aking mga kaibigan. Kasi sa tingin ko, mahiwaga ang North Korea dahil kaunti lamang ang alam ng mga tao hinggil sa bansang ito. Sa buong panahon ng paglalakbay namin sa Hilagang Korea, binisita namin ang mga kilalang lugar sa Lungsod ng Pyongyang at the 38th parallel. Napuna namin na may malaking-malaking estatuwa at larawan ng dalawang nakaraang pangulo ng North Korea sa bawat sulok. Ipinakita ng mga mamamayan ang kanilang pagmmahal sa kanilang mga pangulong sina Kim Il-sung at Kim Jong-ll sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga estatuwa. Maraming nag-aalay ng mga bulaklak sa harap ng mga estatuwa. Bumili rin ako ng bulaklak bilang pagpapakitang-galang sa mga dakilang pangulo. Maraming mga dalagitang Koreanong nagbebenta ng bulaklak sa plaza. Totoong malinis at maayos ang lungsod ng Pyongyang, ang kabisera ng North Korea. Mayroong mga modernong gusali at magagandang liwasan. Inilalarawan ng malalaking poster ang maligayang buhay ng mga Koreano. Pero hindi ko alam kung talagang maligaya at nasisiyahan ang mga mamamayan. Ayon sa aming tour guide, hindi kami puwedeng makipag-usap sa mga mamamayan. Mukhang napakapayat ng mga tao at nakasuot sila ng mga di-makulay na kasuotan.
Si Milky ay nasa Pyongyang, sa likod niya ay ang dalawang estatuwa ng dalawang dating lider ng Hilagang Korea na sina Kim Il-sung at Kim Jong-ll
Pagkaraan ng kuwento ni Milky, parang nagka-interes akong pumunta sa Hilagang Korea. Para sa karamihan ng mga tao sa buong mundo, malihim pa rin ang bansang ito, kahit mayroon itong bagong batang lider at isang magandang first lady. Ang unang awiti ngayong gabi ay ang Secret Garden mula kay Jay Chou.
Kahit ang awiting ito ay pinamagatang secret garden, ang nilalaman naman nito ay hinggil sa pangingibig ng isang lalaki sa babae. Ginagamit ng lalaki lahat ng mga paraan para matawag ang pansin ng babae. Pero, sa bandang huli, hindi pa rin niya masabi ang kanyang damdamin para sa babae. Kaya ang tunay na kalooban ng lalaki ay parang secret garden niya.
(Narito ang kuwento ni James sa Shandong Province)
James: Labing-isang araw ako sa Shandong. Binisita ko ang Yantai, Penglai, at Qingdao. Ang nabanggit na mga lunsod ay matatagpuan sa isang peninsula na tinatawag na JiaoDong. Masayang namalagi ako sa baybaying-dagat sa loob ng dalawang linggo. Sa palagay ko, magkakaiba ang mga dagat ng mga lunsod. Sa Yantai, dalawang beses akong nagpunta sa baybayin. Maraming tao roon at maski doon sa mismong dagat. Ang nakakalungkot lang, marumi at mala-berde ang dagat. Sa Penglai naman, pinuntahan ko ang Changdao, na nangangahulugan ng Long Island. Puno ng graba ang baybayin ng Changdao at ang sarap pagmasdan ng pagsikat ng araw doon. Sa tingin ko, ang pinakamaganda sa lahat ay ang baybayin ng Qingdao. Makinis ang buhangin at presko ang hangin na nagmumula sa dagat. Ang pinikamahalaga, mala-asul at malinis ang dagat.
Si James ay nasa baybaying-dagat ng Shandong Province sa dakong Silangan ng Tsina
Nabanggit niya kanina ang magagandang dagat sa Tsina. Sa katotohanan, ang susunod na awitin ay may kinalaman sa dagat at ito ay pinamagatang "Pakinggan ang Tinig ng Dagat," mula kay A Mei, babaeng man-aawit mula sa Taiwan, China.
Walang duda, maganda ang tanawin ng dagat. Pero kabigha-bighani din naman ang tinig ng dagat. Ayon sa nabanggit na awitin, kung mataimtim kang makikinig sa tinig ng dagat, para ka na ring nakikipag-usap sa dagat at sinasabi mo rito ang hinggil sa iyong tunay na kalooban at mga sekretong ayaw ipaalam sa ibang tao, kahit sa mga matalik na kaibigan at mga kamag-anak.
Tunghayan natin ang mga mensahe mula sa tagapakinig. Sabi ni Ronnalyn: maganda rin ang closing ceremony ng london olympics. very touching at meaningful. Sabi naman ni Romy: ganyan din nangyari kay liu xiang noong nakaraang olympics. sayang naman ang galing niya.
Salamat po. Talagang maraming magagandang alaala ang nagdaang Olimpiyada at magagaling na atleta. Sa tingin ko, ang kabighanian at kagandahan ng Olimpiyada ay mananatili pa rin sa ating isipan sa loob ng mahabang panahon kahit tapos na ang paligsahan.
Ito muli si Ernest at sa ngalan ni Ate Sissi, sana manatiling malusog at masaya kayong lahat day and night. Good night~
Pop China Ika-32
Pop China Ika-31 Pop China Ika-30© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |