|
||||||||
|
||
Tinalakay natin sa mga nagdaang programa ang hinggil sa ginagawa pagkatapos ng trabaho. Ngayon, dito sa Tsina, ang kinalolokohan ng mga Tsino ay ang panonood ng London Olympic Games at paligsahan ng kanilang mga paboritong atleta. Ang mga popular na events ng mga Tsino sa Olimpiyada ay ang table tennis, diving, swimming, basketball, running, gymnastics at badminton. Bukod sa pinag-uusapan na ng mga tao ang mga paligsahan sa opisina, pagkatapos ng trabaho, kasama ang kanilang mga kaibigan at mga kapamilya, nanonood sila ng Olympic Games. Magsasalu-salo sila, magsa-sanmig at magkukuwentuhan. Kahit may pagkakaiba ng oras ang Tsina at Britanya, at ang karamihan ng mga paligsahan ng London Olympic Games ay isinasahimpapawid sa madaling araw (Beijing time), hindi rin nababawasan ang kasiglahan ng mga Tsino sa panonood ng Olimpiyada. Pero para sa akin, gusto kong manood ng rebroadcast ng mga paligsahan sa araw, kasi antok ako sa madaling araw at dapat pumasok sa opisina.
Mainit ngayon sa Beijing, pero mas mainit ang London Olympic Games at tagumpay ng mga kalahok na manlalarong Tsino. Kaya ang unang awiting ngayong gabi ay ang As Fire Time, mula kay Li Yuchun, babaeng mang-aawit na Tsino.
Kumpara sa mga medalya, ang mas mahalaga ay diwa ng mga atleta sa pagsisikap para maging mas mabilis, mataas at malakas. Sa tingin ko, ang Olimpiyada ay isang maringal na party para magdulot ng kasiyahan sa buong sangkatauhan.
Habang nanonood ng mga paligsahan na gaya ng basketball game, bukod sa mahusay na paglalaro ng mga player, ang masigabong palakpakan at malakas na sigaw ng mga manonood ay mahalagang bahagi rin ng isang paligsahan. Ang susunod na awitin ay ang Pagyakap sa Bagyo, mula kina Xin at Alin, mang-aawit mula sa Taiwan, China.
Sa seremonya ng pagbubukas ng London Olympic Games, ang mga awitin na gaya ng "Hey Jude" at "Survival" ay nag-iwan ng malalim na impresyon sa lahat ng mga manonood ng buong daigdig. Bukod sa nabanggit na mga awitin, parehong maganda rin ang theme song ng Beijing Olympic Games na You And Me.
Tunghayan natin ang mga mensahe mula sa tagapakinig. Sabi ni Cashmere: sa tingin ko, mahilig ka sa romantic movies, kuya ernest. sweet-sounding ka, eh
Sabi naman ni Pom: pero, magkakaiba-iba din naman panlasa ng mga moviegoers sa tipo ng pelikula. may mga manonood na mahilig sa romance, may mahilig sa adventure, maron din namang mahilig sa futuristic at meron din sa war films.
Sa katotohanan, mahilig ako sa mga pelikula ni James Bond, kasi lagi siyang may magagandang syota. Hindi lamang romantic, heroic film din.
Sabi ni Ebeth: love is for REEL, not for REAL, di ba, kuya ernest? Sabi naman ni Rachelle: universal kasi ang love. lahat nakakaramdam niyan, one way or the other.
Hindi ako eksperto sa pagmamahal, pero kung nag-iisa lang ang tao sa buong mundo, wala talagang pag-ibig.
Itong muli si Ernest at sa ngalan ni Ate Sissi, sana manatiling malusog at masaya kayong lahat day and night. Good night~
Pop China Ika-28
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |