|
||||||||
|
||
Tinalakay natin sa mga nagdaang programa ang hinggil sa mga elemento ng pelikula na gaya ng theme song at paksa. Bukod sa mga ito, ang direktor at mga aktor ay mahalga rin para sa isang pelikula. Kung kilala ang direktor at aktor, mas madaling makaakit ng manonood ang isang pelikula. Samantala, ang romantikong kuwento naman hinggil sa prinsesa at kanyang kabalyero ay isang karaniwang paksa ng mga popular na pelikula.
Sa totoo lang, ang pagmamahal sa pagitan ng magkasintahan, ng magkaibigan at ng magkapamilya ay mahalagang paksa, hindi lamang sa mga pelikula, kundi maging sa mga awitin. Kaya ang unang awitin natin ngayong gabi ay "Love Is Common Language All Over the World," mula kay David Luo, mang-aawit mula sa mainland China.
Walang duda, magkakaiba ang iba't ibang lahi pagdating sa wika, kultura, sining, at mga kaugalian, at ang pagmamahal ay siyang tanging bagay na komon para sa lahat ng mga lahi sa buong mundo. Gaya ng ipinapahayag ng awiting ito, ang pagmamahal ay nangangahulugan ng kasiyahan, kagitingan at pag-asa. Ang mga ito ay magagandang diwa para sa buong sangkatauhan.
Kung walang pagmamahal, wala ring pag-asa ang buong sangkatauhan. Matibay ang pananalig ko sa kasabihang ito, dahil ang pagmamahal ay siyang susi para magkaroon ang mga tao ng pag-asa. Kaya ang susunod na awitin ay pinamatagang Love and Hope, na inawit ni JJ Lin, Chinese-Singaporean.
Nitong ilang taong nakalipas, lumalaki ang hamon ng pagbabago ng klima sa buong daigdig. Halimbawa, ang nakapakalakas na pag-ulan sa Beijing noong nagdaang sabado ay nagdulot ng malaking kasuwalti at kapinsalaan sa ari-arian. Pero ang pagtutulungan ng mga tao sa isa't isa ay isang mahalagang paraan para maharap ang hamon ng likas na kapahamakan. Tulad ng pamagat ng awiting ito na Love at Hope.
Tulad ng sinabi ko kanina, ang pagmamahala ay mahalaga ring paksa para sa mga awitin, kaya ang huling awiting ngayong gabi ay ang Believe Love, mula kay Na Ying, babaeng mang-aawit na Tsino.
Sana, balang araw, maghari ang pagmamahal sa buong daigdig. Kung magkakagayon, wala nang digmaan, karahasan at sagupaan at masayang mamumuhay ang mga tao.
Tunghayan natin ang mga mensahe mula sa tagapakinig. Sabi ni Aileen: maganda pang magpunta sa mga folkhouse at makinig ng music ng mga folksingers habang umiinom ng malamig na beer.
Tama ka, relaks-relaks habang nakikinig sa musika at umiinom ng malamig na beer. Ito ang magandang paraan para sa pagpahinga pagkatapos ng trabaho, lalo sa tag-init.
Sabi naman ni Nadia: pero bihira naman ang nagpupunta sa moviehouse pagkatapos ng trabaho. mas madalas sa mga ktv, bars o nightclubs.
Oo nga e, kasi sa mga lunsod, mas madaling pumupunta sa mga ktv, bars o nightclubs, kasama ng mga kaibigan at pamilya. Ang sinehan ay palagiang para sa mga magkasintahan.
Sabi naman ni J. pepito poquis: magandang manood ng sine kung kasama mo siyota mo, tapos doon kayo sa pinakamadilim na sulok. hehehe...
Kung ganoon, ang habol mo ay hindi iyong pelikula kundi iyong siyota mo, hehehe.
Sabi naman ni Manny: alam mo, kuya ernest, di na ako nagpupunta sa mga sinehan para manood ng pelikula. nagda-download na lang ako sa internet-- libre pa.
Ako rin bihirang pumunta sa sinehan, kasi mahal ang ticket at libre ang panonood ng pelikula sa mga website ng Tsina.
Sabi naman ni Pablo Cruz: classic story naman iyan, kuya ernest. sa takbo lang ng story magkakatalo.
Tama ka riya. Kahit karaniwan lang ang plot, puwedeng gumanda sa takbo ng istorya.
Itong muli si Ernest at sa ngalan ni Ate Sissi, sana manatiling malusog at masaya kayong lahat day and night. Good night~
Pop China Ika-27
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |