|
||||||||
|
||
Tuwing tag-init dito sa Tsina, laging may ipinalalabas na mga pelikula na gawa sa loob at labas ng bansa. Dahil nga 2 buwan ang summer vacation ng mga paaralan, ang mga estudyante ay mas maraming pagkakataon na magpunta sa mga sinehan. Sa katotohanan, kasunod ng pagkalat ng mga social website na gaya ng Weibo, Youku at Renren, Chinese twitter, Youtube at Facebook, dumarami din ang mga karaniwang Tsino na gumagawa ng mga maiksng pelikula para maibahagi nila ang kanilang kawili-wiling kuwento o pamumuhay sa mga kaibigan. Kahit hindi sila propesyonal na filmmakers, at walang karanasan sa pagpapalabas at pagkuha ng pelikula at mga propesyonal na kagamitan, madalas na nakikita ninyo ang kanilang magagandang likhang-sining sa website.
Napapag-usapan din lang natin ang mga maiksing pelikula na kinuha ng mga karaniwang Tsino, hayaan niyong ibahagi ko sa inyo ang kuwento ng 2 estudyante mula sa Peking University--sina James at Milky--hinggil sa kanilang karanasan ng pagkuha ng maiksing pelikula. sila dalawa ay sumali din sa nagdaang programa hinggil sa paglalakbay.
Pagkuha ng sine ng mga kaklase at guro nina James at Milky
Noong simula ng summer vacation, gumawa sina James at Milky, kasam ng kanyang mga kaklase at guro, ng isang maiksing pelikula sa wikang Filipino. Inilalarawan ng pelikulang ito ang isang kuwentong tungkol sa pagmamahal at pagkakaibiganan ng anim na magkakabarkada. Nagsusumikap sila upang maisakatuparan ang kanilang mga pangarap. Pero nagbago ang kanilang kapalaran dahil sa isang matinding aksidente. Pagkaraang maranasan nila ang pagdaraya, pagkakanulo at pagkataranta, napagtanto nila kung ano ang talagang mahalaga para sa kanila.
Si Milky, bilang Eva sa pelikula
Gumanap si Milky ng papel ni Eva. Hindi alam ni Eva kung ano ang talaga niyang kailangan. Mahal niya nang labis ang kanyang kasintahan na isang mahirap na musikero. Pero may pagka-mata-pobre ang dalagang ito. Nais niyang magkaroon ng mabuting trabaho at maging mayaman. Samantala, sa gitna ng kanyang kalituhan, nakilala niya ang isang mayamang binata na nakatulong sa kanya. Pero, napaghulo ni Eva na ang binatang ito pala ang drayber na sangkot sa aksidente at ang drayber na ito ay wala ni katiting na pagsisisi sa kanyang ginawa. Doon natuklasan ni Eva na puno pala ng pagdaraya ang buhay-mayaman at napagtanto niya kung ano ang pinakamahalaga sa kanyang buhay. Sa bandang huli, bumalik siya sa kanyang kasintahan at mga kaibigan. Magkakasama silang nagsumikap para sa kanilang kinabukasan.
Si James, pangunahing bidang lalaki sa pelikula
Ginampanan ni James ang papel ng isang pangunahing tauhang lalaki na mahirap pero matulungin sa mga kaibigan at mapagmahal sa kasintahan. Magkasintahan kami ni Milky sa pelikula. Naranasan namin kung paanong mag-away at humarap sa tukso ng yaman at kapangyarihan. Sa pelikula, niligawan si Milky ng isang mayamang binata. Halos nahulog ang loob niya sa lalaking ito, pero, sa banding huli, napagtanto niya ang kabaitan at katapatan ni James. Sa pagwawakas ng pelikula, nagkasama-sama muli sina James at Milky at ang kanilang mga kaibigan at muling nagbalik ang saya nila.
Tunghayan natin ang mga mensahe mula sa tagapakinig. Sabi ni Rodel: north korea ba kanyo, ka ernest? alay, maganda raw duon! hindi ba mahigpit?
Tama ka, pare Rodel. Talagang North Korea ang sinabi ko. Bukas naman ang bansang iyon sa mga turista.
Sabi naman ni Rowena: mas maganda talagang magliwaliw sa labas ng bansa-- for a change
Tama ka, mare. Ang nagkakaibang kultura, kaugalian, pagkain, at tanawin ay mga magagandang elemento para mag-tour sa ibang bansa.
Ito muli si Ernest at sa ngalan ni Ate Sissi, sana manatiling malusog at masaya kayong lahat day and night. Good night~
Pop China Ika-31
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |