Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-47 2012

(GMT+08:00) 2012-11-26 17:17:13       CRI

Sa papalapit na Pasko, ano ang paghahanda po ninyo para sa pestibal na ito? salu-salo, paglalakbay sa loob at labas ng bansa o iba pa? Kung kayo po ay nasa Pilipinas, masaya ba ang atmospera para sa pestibal na ito? Kung kayo naman po ay nasa Tsina, nais ninyo bang umuwi sa Pilipinas?

Sa Pilipinas, may mahabang bakasyon para ipagdiwang ang pestibal na ito. Kaya sayang talaga kasi sa Tsina, hindi piyesta opisyal ang Pasko, at wala akong bakasyon para idaos ang ganitong kasaya at kainit na pestibal. Pero popular na polupar naman ang pestibal na ito para sa mga mamamayang Tsino. Kung pupunta kayo ngayon sa Beijing, makikita na sa mga tindahan, supermarket at shopping mall ang pagpromote ng mga produkto para sa Pasko.

At bilang maagang pamasko, may masayang balita ako sa mga kabarkads ng Pop China, babalik na si Ate Sissi, iyong happy DJ. Maghohost siya ng Pop China sa susunod na Sabado. Ok, ang unang awitin ngayong gabi ay pinamagatang sayaw, walang hanggan, para sa maligayang Pasko at pagbalik ni Ate Sissi. Mabuhay!

Kung masaya kayo tuwing Pasko, sayawan ninyo pa para maging mas masaya. Kung na-excite kayo sa pagbalik ng one and only Happy DJ na si Ate Sissi, sayawan ninyo na din bilang pagdiriwang. Pero ako, kaya ko lang sumayaw sa aking kaisipan. Hehe (Pero Gangnam Style kaya ko…)

Ang awiting ito ay mula kay Show Lo, isang papable na mang-aawit mula sa Taiwan, China, magaling siyang sumayaw at maghost ng mga entertainment TV programs.

Maraming puwedeng gawin tuwing Pasko. Sumapi ako minsan sa ganitong uri na parti na isinagawa ng mga kaibigang Pinoy sa Beijing at Embahadang Pilipino. Halimbawa, ang pagsindi ng parol sa Cathedral at gusali ng embahada. Maganda talaga ang parol at makulay na makulay ito, parang mga bituin sa langit, di ba?

Kapag Pasko sa Beijing, malamig tagala ang panahon, kaya kahit may maraming aktibidad, kaunti ang tao sa mga pampublikong lugar. Kung sa Pilipinas, walang ganitong problema, kaya puwede mag-party sa labas buong gabi, di ba? Masaya talaga ang pagtitipun-tipon ng buong pamilya at mga matalik na kaibigan para magkuwentuhan, maglaro, kumakin, kumanta, sumayaw at uminom.

Walang duda, dapat mayroong mga masasarap na pagkain na gaya ng pansit, adobo, piko, lumpia, at San Miguel beers. Manginginom po ba kayo? Tsing!

Ok ang susunod na awitin ay pinamagatang Langit, mula kay Zhang Jie, isang mang-aawit mula sa mainland ng Tsina. Kahit malayo tayo sa ating mga kamag-anak, matalik na kaibigan sa iba't ibang lugar, lalo na sa ibang bansa, pero nasa ilalim tayo ng iisang langit. Kung hindi makakapiling ang buong pamilya sa Pasko, tumingala po kayo sa langit, at masdan ang mga bituin, at isiping parang nasa tabi mo ang mga kamag-anak.

Malungkot talaga ako ngayon, kasi magpapaalam na ako sa inyo pagkatapos ng 7 buwan ng paghohost ng programang Pop China. Sana marami na kayong alam na kantang Tsino at sana nagustuhan po ninyo ang mga ito. Kahit hindi na ako maghohost ng Pop China, minsan, magiging guest ako sa programa para bahaginan kayo ng mga sikat at magandang awitin. OK, ang huling awitin ngayong gabi ay pinamagatang Tonight, I miss you, mula kay Guan Zhe, mang-aawit mula sa mainland ng Tsina.

Ok, diyan nagtatapos ang ating programa ngayong gabi. Ngayong malamig ang panahon… mag-ingat baka sipunin. Ito muli si Ernest at sa ngalan ni Ate Sissi, sana lagi po kayong happy day and night, night and day! Gandang gabi pips 

Pop China Ika-46

Pop China Ika-45

Pop China Ika-44

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>