|
||||||||
|
||
Magandang magandang gabi po, mga lovely kaibigang Pilipino, welcome na makapiling sa Pop China sa bagong year of snake na hatid ng inyong happiest DJ-S-I-SS-I, Sissi.
Mabigat man sa loob, natapos na ang Spring Festival holiday, bagama't di na tulad ng dati ang atmospera ng kapistahan, Masaya pa rin naman ang salu-salo, panonood ng evening gala at pagtulog hangga't gusto. Pero, habang nagpapahinga ang lahat ng mga mamamayan ng Tsina, bising-busi nman ang ilang mamamayang Ruso, Oo Po…Noong isang linggo, isang araw pagkaraan ng Araw ng Mga Puso, sinalakay ng meteorites ang Chelyabinsk at Urals region ng Russia at ang enerhiyang dala ng pagsabog nito ay umabot sa ilang daang kilometro at ikinasira ng maraming salamin ng gusali sa Chelyabinsk at ikinasugat ng mahigit 1200 tao. Pero, sa katotohanan, karaniwang-karaniwan lang ang pagbagsak ng meteorite sa mundo. Bawat taon, may 5 hanggang 10 maliit na meteorites na bumibisita sa mundo at iyong mga kasinglaki ng Russia ay karamihan sa meteorites na bumabagsak sa mga rehiyon na no sign of human habitation. Kaya, kung ikaw ay mapipinsala ng meteorites, dapat bumili ng tiket sa lottery~Biro lang, kasiyahan muna natin ang kantang "When I was your man" na ibinigay ng Bruno Mars.
And, hindi ko alam, kung napanood ninyo ang video clip hinggil sa meterorite sa Chelyabinsk. Bago ito bumagsak sa lupa, may isang nagliliwanag na bagay, parang isang bala na sumira sa malaking meteorite at dumarog ditto sa kalangitan, kaya naman, maliit ang kapinsalaan. It's astonishing. Anong iyon? Someone says ito ay missile ipinadala ng sundalong Ruso. May nagsabi naman na ito ay weapon ng NASA at may nagsabi rin na ito ay UFO na minaneho ng alien. Medyong natakot ako….Hindi malayo ang meteor sa amin. Halos bawat taon, nakakakita kami ng meteorite shower. Ang katatapos ay Quadrantids meteor shower, ang susunod sa Abril, vega, sa Agosto, Perseids at sa Disyembre, Geminids meteor shower. Kung interesado kayo, bumili ng isang telescope, anyayahan ang inyong mahal sa buhay at kasiyahan ang beauty at romance na galing sa outerspace. Natatandaan pa ba ninyo? Ilang taong nakararaan, napakasikat ng isang kantang naglalarawan ang tanawing ito, iyan…kantang "meteor garden" na ihahatid ng bandang Flower 4..
Tapos, sapul nang isilang ang sangkatauhan, ayon sa mga Archaeologist, mga 4 milyong taon na ang nakararaan, bakit, nananatili pa rin kami pagkaraan ng isa at isa pang pagbagsak ng meteorite? Dapat pasalamatan natin ang mundo na pinaninirahan natin. Gaya ng sinabi ko, tuwing limang taon, may bumabagsak na meteorite sa mundo, kasing laki man o mas malaki kaysa meteorite sa Chelyabinsk, at karamihan sa kanila ay lumulubog sa dagat. Alalahanin ninyo, 80% ng saklaw ng mundo ay dagat. Isa pa, ang makapal na atompsphere, parang isang umbrella, hindi lamang nagpapapahina sa ultraviolet, kundi tumutunaw din sa mga nagyeyelong meteor at lumulusaw ng mga bato at metal na meteor na di-lampas sa 50 metro ang diameter. By the way, kasunod ng pag-unlad ng siyensiya't teknolohiya, unti-unti ring tumataas ang kakayahan ng mga siyentista sa pagharap sa pagbagsak ng meteor: Una, sa pagsasamantala ang super telescope, natuklasan ang meteorite na posibleng magdulot ng hamon sa mundo, ika-2, nailunsad ang reconnaissance airplane para kumpirmahin ang orbit, laki at kalidad nito, tapos, ilunsad ang interceptor. Sa kasalukuyan, puwedeng tapusin ng carry rocket ng Rusya ang lahat ng gawain ng paglulunsad sa loob ng 1.5 oras. Medyo relaks tayo, di ba? kantang "Burado" na kaloob ni Rico Blanco, let's rock and roll~
Noong isang taon, isiniwalat ng Rusya ang isang breaking news, na nagsasabing noong 1970s, nakita nila ang isang napakalaking diamond deposit sa isang 100 kilometrong diameter na meteorite crater sa silagang Siberia. Lumampas sa trilyong karat ang bolyum ng diamond sa crater na ito at ito ay makakatugon sa pangangailangan ng buong daigdig sa loob ng 3000 taon at 10 ulit mas malaki sa kabuuang bolyum ng kasalukuyang laman ng buong daigdig. Ang Sudbury crater ay nasa Sudbury ng probisyang Ontario, Kanada. Bilang isa sa mga pinakamalaking crater sa kasalukuyan sa daigdig, ito ang pinakamalaking mina ng nickel sa daigdig at ang produksyon nito ay umaabot sa 80% ng kabuuang bilang ng sa daigdig. Balik sa nasabing meteorite sa Chelyabinsk. Kamakailan, abalang-abalang ang mga residenteng lokal sa Chelyabinsk, hindi sa pagkukumpuni ng kanilang bintana, kundi sa mga piraso ng meteorite. Ayon sa pagtasa ng isang beteranong apisyonado ng astronomy, umabot sa 2200 USD bawat gram ng mga piraso, 40 ulit na mas mahal kumpara sa presyo ng ginto.
Ang Spring festival ay kapistahan na pagdiriwang at pagsalubong sa tag-sibol. Umiinit nang umiinit ang panahon, panahon para sa paglalakbay at oras para sa pagbabawas ng timbang.
I-klik lamang ninyo ang "Like " button ng aming facebook account "CRI Filipino Service"
Pop China Special
Pop China Ika-4 2013
Pop China Ika-3 2012
More
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |