|
||||||||
|
||
Kahapon, bumili ako ng train tiket para sa aking nanay, gusto niya kasing bumalik sa hometown para bisitahin ang kanyang 4 na taong gulang na apo at ang kanyang mga magulang, ang aking halos 80 anyos na lolo at lola. Oo, papalapit na ang Spring Festival-- Lunar New Year ng Tsina. Bagama't di na tulad ng dati ang atmospera ng kapistahan, hindi pa rin naman nagbabago ang isip ng nakararaming mamamayang Tsino: ito pa rin ang panahon ng pag-uwi sa hometown; ito ay panahon ng pagsasalu-salo ng pamilya; para sa aking nanay, kay ganda ng pamumuhay dito sa Beijing, mas paborable ang lasa ng pagkain, mas matamis ang tubig at mas lovely ang mga tao kumpara sa mga malalayo at maliliit na lunsod. "Home"-Gary V.
Mula noong isang linggo, pansamantala akong natalaga ako sa newsroom ng Southeast Asia Broadcasting Center ng CRI at dahil dito, nag-eedit ako ng maraming kawili-wiling balita tulad ng mga sumusunod: Noong panahon ng kapaskuhan sa Australya, nainoom ng isang 9 na linggong aso ang anti-freeze fluid at sya ay nalason, agaran syang isinugod sa ospital ng may-ari na isang babae, pero, nosorpresa ang babae nang makita ang resetang ibinigay ng doktor, kasi, ito ay isang bote ng vodka. Ayon sa ulat, nalason a ng aso dahil sa ethylene glyco na taglay ng anti-freeze fluid. Para maiwasang masira ang bato ng aso ang tanging paraan ay pagbibigay ng alcohol sa pamamagitan ng intravenous drip, tutulungan nito ang aso na ilabas ang ethylene glycol. Buti na lang natanggap ng doktor ang isang bote ng vodka sa kapaskuhan at agarang ginamit ito bilang gamot. Pagkaraang maubos ang 30% , nailigtas ang aso. Magaling na ang aso bagama't halos namatay ito. Sinabi ng may-ari ng aso: frankly speaking, kawili-wili ang pangyayaring ito, hindi ko naisip na ililigtas siya ng vodka. Yamang nagpaguusapan ang alak na vodka, Ok, balik tayo sa music, heto ang kantang "Drink Me Under" awit ni David Huang, sometimes, drink you under dahil may mahal ka, tulad ng aso, di ba?
Ayon sa ulat ng Daily Post ng Britanya, noong Martes, kinupit ng isang 20 taong gulang na cleaner ang susi ng isang train mula sa driver at pinatakbo ito ng 1.6 kilometro, dahil di kagalingan, nagderail ang tren at bumangga ito sa isang gusali. Sa panahong iyon, natutulog ang tatlong pamilya sa gusali at luckily, walang pasahero sa tren at hindi nasugatan ang limang tao sa gusali. Napag-alamang, pagkaraan ng insidente, ginugol ng mga emergency personnel ang dalawang oras para ilabas ang nasabing cleaner mula sa tren at dahil grabe ang kanyang kalagayan, agarang isinugod siya sa ospital sa Stockholm sa pamamagitan ng helicopter. Napag-alamang, idinemanda siya dahil sa krimeng may kinalaman sa endangering public security at sabi ng panig pulisya, "Noong umaga ng Martes, natanggap namin ang tawag ukol sa nawawalang tren at ilang oras ang nakaraan, nakita namin ang nasirang tren na sumalpok sa isang gusali." Sa kasalukuyan, pinapatibay ng mga pulis at emergency personnel ang gusali para hindi ito bumagsak pagkaraang alisin ang tren. Baka, ito ang dahilan kung bat sinasabi ng ilan, na ang lahat ng babae ay natural born road killer… killer din ang chart topper ni Alicia keys na "Girl On Fire" pakinggan natin Let's go for a ride!~
Samahan kita sa pagshopping, 30 yuan RMB bawat oras, samahan kita sa pagkain, 50 yuan RMB, samahan kita sa panonood ng pelikula, 30 yuan bawat oras, ghost movie costs double, halik, 50 yuan bawat beso (means kiss too), yakap, hold hands, walang bayad at hinalik sa pisngi or sa noo, give free as gift kapag matapos ang trabaho. Puzzled? Actually, ito ay isang bagong serbisyo- pagarkila ng isang boyfriend sa Chinese E-Bay. Alam ninyo, papalapit na ang pinakapangunahing kapistahan ng mga mamamayang Tsino-Spring Festival mga 20 araw na lang. Babalik sa hometown ang nakararaming kabataang nagtatrabaho sa mga lungsod, pero, para sa mga babaeng umabot na sa edad ng pagpapakasal, pero, hindi pa nahahanap ang Mr Right, baka kailangang harapin ang paulit-ulit na katanungan mula sa mga kapamilya, kaya, para maiwasan ang nasabing kalagayan at para aliwin ang mga magulang, pinili ng ilang babae na umarkila ang isang lalaki sa E-bay at ang naririnig niyo kanina ay singil na dapat bayaran ng mga babae. Actually, ang nakararaming lalaki ay naglalayong samantalahin ang pagkakataong ito, makahanap ng isang girlfriend, alam ninyo anong iniisp ko? Dapat sumali si Ernest, di ba?
OK, sa saliw ng kantang "Love Song" na kaloob ng bandang Soda Green , , nagtatapos ang progremang Pop China para sa gabing ito, kita-kits tayo sa susunod na sabado, magandang gabi.
I-klik lamang ninyo ang "Like " button ng aming facebook account "CRI Filipino Service"
Pop China Ika-2 2013
Pop China Una 2013
Pop China Ika-52 2012
More
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |