|
||||||||
|
||
Kumusta po kayo, mga kaibigang Pilipino, Sabado na naman ng gabi, gentle breeze, kasama ng little shower sa Manila… Welkam sa Pop China sa ngayong rest day Saturday, day off nyo ba? Kung Oo, sana ay makapahinga kayo dahil kailangan ng ating katawan ang rest panlaban sa stress.
Congratulations kay Ang Lee. Sa katatapos na 85th Oscar Academy Awards na idinaos sa Hollywood, nanalo si Ang Lee dahil sa kanyang incomparable na kakayahan sa pag- compose ng plot, pag-aarrange ng structure at imagination ng imahe na ipinakita sa pelikulang Life of Pie. Si Ang Lee na ipinanganak sa Chinese Taiwan, ay nagtamo ng Best Director award. Siya ang ika-3 Chinese na nakakamit ng Oscar Statuette at nag-iisang Chinese na naging winner ng Best Director for two times sa Oscar. Big winner talaga sya para sa mga Chinese. Para naman sa mga British, big winner si Adelle dahil nanalo ang "Sky Fall", ng Best Original Song. Pakinggan natin ang SkyFall at pagkatapos ibabahagi natin ang mga kuwento bago maging sikat si Ang Lee.
Noong 1978, bago matupad ang pangarap na maging director sa Amerika, sinabi ng tatay ni Ang Lee sa kanya, sa Broadway, na bawat taon, nangangailangan ng 200 actor dito, pero, mahigit 50 libong tao ang nagpapagalingan para makuha o mapabilang dito. Iginigiit ni Ang Lee na lumipad patungong U.S. At dahil dito, lumala ang relasyon nila ng kanyang tatay at hindi sila nag usap ng halos 20. Hanggang grumadweyt si Ang Lee mula sa film school, narealise niya ang mga sinabi ng kanyang tatay. Sa loob ng anim ng taon, bilang isang Chinese, walang siyang pera, walang background, ilang taon din syang namamahala sa pag-iingat ng props, pag-order ng instant food at paglipat ng silya para sa director. 30 taon gulang na siya, hindi pa rin kayang susportahan ng kanyang kinikita ang sariling pangangailangan. Kaya naisip ng kung tutuloy pa ba sya o titigil na ? Pero talagang mahal nya ang paggawa ng pelikula at ito ang kanyang pangarap. Pero gaya ng ating nabanggit kanina the rest is history dahil isa na siyang multi awarded directors sa Hollywood. Naku, pagkaraang mapakinggan natin ang kantang "Nasa inyo na ang lahat" na ihahatid ni Daniel Padilla, malalaman natin ang love story ni Ang Lee, Tama kayo… mahilig ako sa tsismis J.
Sa kanyang award-winning speech, ibinigay ni Ang Lee ang special thanks to his wife, sabi niya na My wife, Jane Lin, we'll be married 30 years this summer. I love you. Ang asawa ni Ang Lee ay kaklase niya sa university na nag-aral ng biology. Sa panahong iyon, nagtrabaho si Jane Lin bilang researcher sa isang maliit na facility. Maliit ang kita. Para mapahupa ang kanyang sense of quilt sa asawa, isinabalikit ni Ang Lee ang lahat ng housework at tuwing gabi, pagkaraang lutuin ang hapunan, uupo siya sa harap ng pinto kasama ng kanilang anak na lalaki, habang nagku-kwento sa bata at hinihintay ang pag-uwi ni Jane na siyang nag-uuwi ng kita sa pamilya. Ang pamumuhay na ito, para sa isang lalaki, walang duda,ay medyo disgraced at one time. Minsan ibinigay ng tatay at nanay ni Jane ang pera kay Ang Lee at hiniling sa kanila na buksan ang isang restaurant para mapagkakitaan ng pamilya. Pero, tinanggihan ito ni Jane at ibinabalik ang pera sa mga magulang. Pagkaraang malaman ito ni Ang Lee, nagisip-isip si Ang Lee at sa bandang huli, ipinasiyang harapin ang katotohan, at itakwil ang kanyang pangarap. Tapos, pumunta siya sa vocational school sa lokalidad at inirehistro ang mga aralin ng computer at pinaplanong magtrabaho para kay Bill Gates. Ano ang nagyari after? Malalaman natin yan after natin pakinggan ang kantang Harlem Shake na inawit ni Bauuer, more of Ang Lee's life's story mayamaya.
Nang makuha ni Ang Lee ang curriculum schedule ng computer, talagang hindi sya masaya at napuna ito ng kanyang asawa. Hindi siya inimik ng asawa pero sa ika-2 araw, bago pumasok sa trabaho, sinabi nya kay Ang Lee na dapat sundin nya kung ano ang nasa kanyang puso.
Sa puntong ito, parang sunshine, ang lahat ng hopes and dreams na naisangtabi para buhayin ang pamilya ay muling nanumbalik sa bottom of the heart ni Lee. Pinunit niya ang curriculum schedule. At tapos, nakakuha sya ng pondo, kumuha ng kamera at sinimulang umani ng tagumpay sa mundo ng paggawa ng pelikula. At natamo ang mga gatimpala sa buong daigdig. Noong muling banggitin ang pangyayaring ito, sinabi ni Jane, sa mula't mula pa'y, nananalig akong ang hilig mo talaga ay pagsh-shot ng pelikula. Kaya kung gaya ni Ang Lee gusto mo ding makakuha ng Oscars at itaas ang ginintuang Statuette, dapat igiit ang pangarap mo sa puso.
Bilang panghuling awit ngayong gabi heto ang "Sa Aking Awitin" ni Tiffany Tse. Dito na rin nagtatapos ang inspiring na kuwento ni Ang Lee at ang programang Pop China para ngayong gabi. Anong masasabi nyo sa Life of Pie, sa story ni Ang Lee at sa Pop China? Post your comments sa aming website: Filipino.cri.cn o magteks sa 09212572397. Ok, kita-kits tayo next Saturday , SALAMUCH!
I-klik lamang ninyo ang "Like " button ng aming facebook account "CRI Filipino Service"
Pop China Ika-6 2012
Pop China Special
Pop China Ika-5 2013
More
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |