|
||||||||
|
||
Ang pitong katotohanang dapat ninyong malaman: Una, hindi niyo dapat lagyan ng soap water ang inyong mga mata; Ikalawa, hindi ninyo kayang bilangin ang inyong buhok; Ikatlo, hindi kaya puwedeng huminga na nakalabas ang dila; Ikaapat, sinusubok ninyo ang ikatlo; ikalima, habang sinusubok ninyo ang ikatlo, matutuklasan ninyong puwede pala ito, pero, mukhang aso kayo ngayon; ikaanim, tumatawa kayo, dahil, binibiro ko kayo; Ikatlo, susubukin ninyo ito sa ibang tao, tapos, panalo kayo.
Umiinit nang umiinit ang panahon dito sa Beijing, puwedeng magsuot ang mga bride ng inaasahang puting bridal veil at simulan ang bagong round ng wedding season. Mahigit isang buwan pa bago sumapit ang International Labor Day holiday, May 1st, nakatanggap na ako ng tatlong wedding invitations. Pero, ngayong gabi, hindi natin tatalakayin ang seryosong wedding vows, masaganang wedding reception at masasaya o malulungkot na Postnuptial life, kundi, isang napakaimportanteng bagay at something extra para sa iyong special day. Anong extra? Iyan ang naughty tricks sa wedding ceremony. Kung gusto ninyong malaman ang naughty tricks na ito na ginagamit dito sa Tsina, huwag kayon aalis. Pagkaraang mapakinggan ang kantang "Meron Ba," ni barbie forteza, magbabalik ako para sa isang kawili-wiling istorya ngayong gabi.
Tulad ng mga bride at groom diyan sa Pilipinas, hindi nagtatagpo ang mga couple na Tsino sa araw bago idaos ang wedding ceremony; magkahiwalay na nagpupunta sila sa simbahan at doon nagtatagpo. Dito naman sa Tsina, sa umaga idinaraos ang wedding ceremony. Dapat sunduin ng groom ang kanyang bride sa bahay ng kanyang bibiyananin at kailangang dumaan siya doon sa ilang pagsubok mula sa mga abay at kapamilya ng bride sa labas ng pintuan ng bahay. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga pagsubok na madalas na ginagamit sa okasyong ito.
Una, Memory of love. Tatanungin sa groom ang situwasyon at petsa ng kauna-unanang pagkakakilala nila, kauna-unahang paghawak sakamay, kauna-unahang paghalik at araw ng pagpo-propose.
Ika-2, pagsulat ng isang letter of guarantee. Hihilingin sa groom na lagdaan ang isang kasulatan kung saan siya manganakong aalagaan niya nang mabuti ang kanyang mapapangasawa, pamamahalaan ang lahat ng gawaing-bahay at iiintrega ang lahat ng suweldo sa babae at hindi gaganti kahit siya ay murahin at hampasin ng babae.
Kantang Love To Be Loved By You na sinulat at inawit ni Marc Terenzi para sa kanyang asawa Sarah Conna noong ikinasal nila. Isang sweet na sweet na kanta. What a pity, nag-split sila noong 2010.
Kung ipinalalagay mong normal na normal at a piece of cake ang nasabing mga tricks, huwag magmadali, tingan natin how about these. Pagkaraang natupad ng groom ang nasabing iba't ibang kahilingan at matagumpay na pumasok sa bahay at dumating sa pinto ng silid na kinaroroonan ngbride. Isa pang round of tricks…
Matamis na halikan. Maglalabas sila ng isang paper na may kiss mark ng bride at mga sister niya at hihilingin sa groom na ituro kung alin ang sa kanyang bride. Kung mali ang sagot, dapat siyang magbigay ng red envelope.
Lasa ng pamumuhay. Maghahanda ng limang bagay na tulad ng green lemon, chocolate, Balsam pear, chili at bacon, tapos hihilingin sa groom na ubusin ang mga ito. Pagkaraan, tatanungin siya kung masarap o hindi.
Flame of love, kung gustong buksan ang pinto ng silid na kinaroroonan ng bride, dapat piliin ng groom iyong tumpak na susi sa siyam na susi at ang mga susi ay nagyeyelo, kailangang tunawin ang yelo sa pamamagitan ng body temperature. Sa petsang ito, dapat umaksyon ang mga abay na lalaki. Tutunawin ng isang tao o dalawa depende kung ilan ang abay na lalaki.
Actually, sa nakararaming panahon, hindi ganito karami ang tricks. After all, ito ay para lamang magsilbing napaka-special at unforgettable ang buong kasalan. Kaya, kung limitado ang oras, hindi na pahihiyain ang groom ng mga bridemaid at kapamilya ng babae; pero, ayon sa pagskakaalam ko, mayroon ding naganap na trahedya sa prosesong ito. One time, humiling ang babae sa lalaki na lumuhod at tumahol na parang isang aso, at ganoon nga ang ginawa ng groom Tapos, sinabi ng uncle ng babae na ayon sa kaugalian, dapat magbigay ang groom ng 88888 yuan RMB sa bride. Dahil walang dalang ganito karaming pera, tinanong ng lalaki kung puwedeng ibigay ang pera pagkaraan ng kasalan, pero, tumanggi ang panig ng babae at noong oras ng pagdaraos ng seremonya, hindi nagkasundo ang dalawang panig at sa bandang huli, direktang lumisan ang groom kasama ng motorcade at kailangang pumunta sa wedding ceremony ang bride sakay ng taxi.
I-klik lamang ninyo ang "Like " button ng aming facebook account "CRI Filipino Service"
Pop China Ika-8 2013
Pop China Ika-7 2013
Pop China Ika-6 2012
More
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |