Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-10 2013

(GMT+08:00) 2013-03-25 16:04:50       CRI

Noong isang linggo, isinalaysay ko ang ilang naughty tricks na madalas na ginagamit ng mga bride at groom dito sa Tsina, or rather, mga biro ng mga kaibigan at kapamilya ng bride ang groom. At tapos, nakatanggap ako ng mga komento mula sa ating mga listeners na tulad ng mga sumusunod:

Sabi ni techie villareal: naku po, even dating rules are now changing, di ba? Sabi naman ni malou: wala nang ganyan ngayon, my dear. malalaman mo naman kung faithful ang lalaki sa panahon ng engagement niyo. Let let alunan: nasa 21st century na tayo bago hindi na uubra ang ganyang practice. marami na nga ngayong nagsasama na ganun-ganon na lang, eh.

Ok, salamat sa inyong mga comments. Keep them coming. Ako naman ang magsha-share ng experiences. Attention, any similarity is purely coincidental at huwag tularan ang mga ito ng mga mababait. Pero, bago ito, isang kantang "Making love out of noting at all" na inihahatid ng Terry Lin, idedicate sa lahat ng bride at groom na ikakasal sa ksalukuyang tag-sibol!

Pagkaraang magka-trabaho ako, pumasok na rin ako sa "marry-able age". Ganun din ang aking mga ka-batch sa school. At sa isang wedding ceremony ng kaklase ko, pagkatapos mag propose ng toast sa lahat ng pangunahing panauhin sa wedding banquet, lumapit ang groom and bride sa mesang kinauupuan naming magkaka-klase, at hinintay namin sila nang pagkatagal sa dami ng bisitang binati nila. May isang kaibigan ang nagdala sa kanya ng isang malaking basyong bote ng Coca Cola, obviously, pinag handaan niya talaga ito. Nakita ko na maraming butas sa bote at ang bawat butas ay pinasakan ng isang sigarilyo. Iyan ang well-famed Smoking Barrels, dapat sindihan ng groom ang lahat ng sigariryo sa pamamagitan ng pagsipsip ng bunganga ng bote. Kahit isang heavy smoker ka, mahirap gawin ito. Ito ay dapat pagtulung-tulongan ng napakaraming lalaki. Nalimutan ko kung ano ang facial expression ng groom noong nakita ito, pero, natatandaan ko, pagkaraang sindihan niya ang lahat ng sigarilyo, sumakit ang ulo niya. Pagkatapos ng Smoking Barrel, ibinigay naman ng isa pang kaibigan ang isang plato sa kanya. Anong dapat gagawin ng groom sa plato? Alamin natin at ire-reveal ko ang sagot pagkatapos ng kantang I know you were trouble na ibinibigay ni Taylor Swift.

Normal na normal ang plato, pero, meron isang matigas na kendi na nakadikit sa sentro ng plato at special ang lasa ng kendi. Kasi, ito ay pinaghalong ng luya, suka, mustard, chili at iba pang lasa na pwede nyong maisip. At dapat gamitin ng bride at groom ang kanilang bibig para makain ito. Ang mga nasabing naughty tricks ay pasok sa Class E o suitable for everyone contains a small amout of violence, funny pranks and foul language. Ang susunod na naughty trick ay A o level na adult only na kinabibilangan ng sobrang karahasan, vulgar na pananalita at iba pang di-angkop na nilalaman. Heto ang ilang sample ng laro para sa bagong mag-asawa. Patayuin ang groom sa isang upuan. Kumuha ng 2 itlog at magkahiwalay na ilagay ito sa loob ng pantalon ng groom. Dapat ilipat ng bride ang mga itlog mula sa magkabilang binti. Kung naughty ka, puwede mong basagin ang itlog pagdating sa pundilyo. Siguruhin lang na hilaw ang itlog para masaya ang larong ito. Medyo relaks tayo, OK? kantang "Stay" na kaloob ni Rihana, anyone don like it?

Last but not least, tingnan natin ang ilang pangyayaring may kinalaman sa kasalan, sa Australya. Gustong biruhin ng bride ang groom, at sinabi niyang "I don't" kapag palitan ng wedding vows. Bagama't agarang binawi na ito, iginigiit ng register na hindi puwede ipagpapatuloy ang kasalan, dahil ayon sa batas, kung negative ang sagot ng isang panig sa wedding vows, dapat kanselin ang kasalan at kung gusto nila idaos ang wedding, kailangan pa nilang maghintay ng sampung linggo. Sa Hapon, nagsisisi ang isang groom at para mapigil ang pagdaraos ng wedding ceremony, sinunog niya ang hotel. Sa Amerika naman gusto idaos ang isang cowboy style na wedding banqet ng bride at groom, pero, nagulat sila ng may lumilibot na helicopter at maraming pulis at aso sa lugar. Kaya naman pala dahil nagsumbong ang kapitbahay na inakalang may masamang nangyayari dahil nakita ng neigbour na may maraming tao na may dalang rifle na pasok labas ng bahay.

I-klik lamang ninyo ang "Like " button ng aming facebook account "CRI Filipino Service"

Pop China Ika-9 2012
Pop China Ika-8 2013
Pop China Ika-7 2013



                  More


Back to Top                                                                                   Pasok sa Mtime

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>