Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-28 2014

(GMT+08:00) 2014-10-17 11:03:20       CRI
Ang pinakamalaking balita na naganap noong isang linggo sa music world ng Tsina ay ang love affair nina Nicolas Chen at Faye Wang, bilang isang pares na lover na nagsplit matapos ang walong taon. Bagamat nabuo na nila ang sariling pamilya at parehong may cute na cute anak, pero, pagkaraang magkasunod na bumalik sa pagiging single, muling nag-hawak-kamay ang nasabing dawalang super stars na may 11 taong age gap si Faye kay Nicholas. Coincidence ba ito or not? Dahil kalalabas lang ng dalawa ng kanilang mga bagong kanta, at ang naririnig ninyo ang kantang One Stop Away na inawit ni Faye Wang, baka para sa kanila, nananatiling one stop away ang isa't isa.

Nakatawag ang love affair nina Nicolas at Faye ng mainit na talakayan kung totoong minahal ng isang lalaki ang isang babae, how much can he do for his love? Sa labas ng Tsina naman, mayroon isang couple ang nagsumpaan, iyan ay sina Selina Gomez at Justin Beaver, dahil nag-break na sila ng sobrang maraming beses, this time, isinagawa nila ang pormal na seremonya ng pagbibigay-pangako. At ipinahayag pa ni Justin Beaver na gustong niyang magpa civil wedding sa Kanada sa malapit na hinaharap. Dahil dito, Im sure maraming mga fans ang magiging heart broken dahil engaged na ang mga pop stars na ito.

Kamakailan, matagumpay na natapos ang Shanghai West Bund Music Festival na dinaluhan minsan nina Michael Bolton, Yann Tiersen, Big Bang, at iba pang super stars. At this year, naging crazy ang lahat ng music fans, partikular ang mga babaeng music fans sa isang guwapong guwapong lalaki na si Akanishi Jin na nagperform sa music festival na ito. Bilang dating miyermbro ng No. 1 boy group ng Hapon na "Cartoon", natigil siya sa kanyang showbiz related activities matapos magalit ang kanyang agency dahil bigla siyang nagpakasal sa kanyang asawa nang walang pasabi. Napakalaking issue nito sa Japan that time. Ngayon sinusubok ni Akanishi na i-revive ang lanyang career sa Tsina.

Sa darating na Oktubre, excited ang mga music fans na Tsino dahil sa eagerly anticipated world tour ni Mariah Carey. Kamakailan, natanggap na ng tagapag-oraganisang Tsino ang 89 page na reception list na ibinigay ng managing group ni Mariah na kinabibilangan ng 14 na pangunahing kahilingan at ilang daang maliit na bagay na dapat pag-ukulan ng pansin. Halimbawa, ang bilis ng pag-upload at pag-download ng internet service ng hotel at pinakamabuting instalasyon ng sound system sa concert venue.

Bukod kay Mariah Carey, sinimulan naman ni Eason Chan ang kanyang world music tour na "Life" kasama ang pagpapakilala ng kanyang bagong album na "It's Ok". Hanggang sa kasalukuyan, sold out na ang lahat ng tiket, at hindi tulad ng ibang singer na may disount ang presyo ng mga tiket, mas mahal ang tiket sa concert ni Chan.

Noong gabi ng ika-11 ng buwang ito, nag-twit sa kanyang microblog si Lu Han, miyembro ng K-Pop Group na EXO, na dahil sa labis na pagpraktis at pagperform, masakit ang kanyang ulo at hindi makatulog. Kaya, hindi siya nakadalo para magperform kasama ng group sa Thailand. Sa loob ng 24 oras lamang, nakatawag ang post na ito ng mahigit 300 libong repost. Para sa iba pang star, ang 300 libong beses na repost ay isang kataka-takang numero, pero, para kay Lu Han, karaniwan na karaniwan, lumampas minsan sa 10 milyon ang bilang ng mga mensahe nakakuha ng kanyang twitter message na naging isang rekord na kinikilala ng Guinness World Records.

Kung gustong makilala ang isa pang grupo na mas popular kumpara kay Lu Han at EXO, ito'y walang iba, kundi ang kanilang big brother, isa pang K-Pop Group na Super Junior. Noong isang buwan, pagkaraang mag break nang 2 taon, bumalik sa stage ang Super Junior kasama ng kanilang bagong album na pinamagtang Mama Cita. Ayon sa pinakahuling resulta na ipinlabas ng Billboard, sa loob ng tatlong araw lamang, naging winning single sa aspekto ng K-Pop ang kantang Mama Cita at sa Youtube naman, ito ay naging music video na nakakuha ng pinakamaraming clicks sa Agosto.

May Kinalamang Babasahin
popchina
v Pop China Ika-27 2014 2014-10-17 10:43:31
v Pop China Ika-26 2014 2014-09-15 18:25:44
v Pop China Ika-25 2014 2014-09-02 17:57:26
v Pop China Ika-24 2014 2014-08-25 18:07:27
v Pop China Ika-23 2014 2014-08-18 16:54:00
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>