Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-29 2014

(GMT+08:00) 2014-10-23 16:31:35       CRI
Noong Martes, matagumpay na idinaos ang Itunes Music Festival sa London. Mula noong taong 1997, ito ay nananatiling isa sa mga pinakamalaki at pinakapopular na music festival sa Britaniya na nakatawag ng mahigit 400 musicans at mahigit 430 libong music fans bawat taon. Tumagal nang isang buwan ang music festival na ito, o ibig sabihin, para sa mga music fans, ang bawat araw ng Septymbre ay party time. Ok, pagkaraang mapakinggan ang bagong kantang "Miracle" na kaloob ng bandang U2, agarang balik-tanawin natin ang mga exciting moments ng Itunes Music Festival.

Ang katatapos na Itunes Music Festival ay masasabing, pagtitipon-tipon ng mga guwapong lalaki. At unang una, let's all welcome 5 Seconds of Summer -- ang kasalukuyang pinakapopular na boy band na binubo ng apat na lalaking galing sa Australya. Ang kanilang unang album ng nag debut ay naging Best Selling Album ayon sa Billboard. At hanggang sa kasalukuyan, nananatiling nasa ika-4 na puwesto ito sa Best Selling Almum para sa taong 2014. Ang naririnig ninyo ang kanilang hottest hit na Long Way Home.

Maraming mga pop singers, para makatawag ng mas maraming pansin o para makaakit ng attensyon ay nagsusuot ng wirdong damit at kakaibang hair dye na may iba't ibang kulay. Pero ibahin ninyo si Sam Smith dahil, kung hindi umaawit sa stage, isang mahiyaing homebody lamang si Sam Smith. Bilang winner ng BBC Voice of 2014, patuloy na sumisikat si Sam Smith sa Itunes Music Festival. At ang kanyang single na Stay With Me ay pasok sa Billboard charts nang 22 linggo at nananatiling kabilang sa Top 10.

Sa Europa man o sa Asya, parang sa lahat ng awarding seremony, maririnig natin ang kantang Happy ni Pharell Williams. Bilang isang lalaking isinilang noong 1970s, nanatiling young at heart si Pharell. At sa kanyang mansion na nagkakahalaga ng 14 milyong dolyares sa Miami, makikita ang photo ni Stewie ang aso sa Family Guy, transparent na piano at swimming pool na may disenyong arrow, sa Ingles, mayroon isang bagong salita para sa taong tulad ni Pharell na may naiibang taste sa interior design…ito ay kidult- pinagsamang salita na kid at adult. For sale pala ang mansion ni Pharell baka gusto ninyong bilhin?

Sinimulan ni David Guetta ang kanyang karera bilang DJ noong 1980s, at sa pinakahuling poll na isinagawa ng DJ Magzine, si David Guetta ay naging first place sa lahat ng house DJ sa buong daigdig, sa tulong ng kanyang classic na hits Just A Little More Love,

Kapag pinainit ng DJs ang atomospera sa pamamagitan ng mga tempo at melody, ang mga Jazz singer ay nakapagbibigay naman ng isang pagkakataon sa mga music fans na marinig ang kagandahan ng human voice. Tinaguriang pinakadakilang Jazz singer ng Amerika para sa buong ika-20 siglo si Tony Bennett. Umakyat sa stage ng Itunes Music Festival ang 88 taon gulang na living legend at jazz singer na si Tony Bennett. Nakipag-collaborate siya kamakailan kay Lady Gaga at inilabas ang isang bagong ablum na "Cheek to Cheek" na gustong ilapit ang Jazz music sa mga kabataan.

Kalalabas ng bagong album ng Maroon 5 na pinamagatang V. Dumalo sa Itunes Music Festival ang banda at naging isang mini concert ang kanilang performance na tumagal ng 70 minuto. Kasama sa set ang dating hits nila tulad ng "Moves Like Jagger", "She Will Be Loved", "This Love", "Payphone" at iba pang hits na pumasok sa listahan ng Top Selling Songs ng Itunes. Dito, binati rin ng belated "happy marriage" ang lead vocalist na si Adam Levine at ang kanyang sexy na asawang na si Behati Prinsloo.

May Kinalamang Babasahin
popchina
v Pop China Ika-27 2014 2014-10-17 10:43:31
v Pop China Ika-26 2014 2014-09-15 18:25:44
v Pop China Ika-25 2014 2014-09-02 17:57:26
v Pop China Ika-24 2014 2014-08-25 18:07:27
v Pop China Ika-23 2014 2014-08-18 16:54:00
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>