Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-37 2014

(GMT+08:00) 2014-12-26 19:53:02       CRI
Maligayang maligayang pasko at manigong manigong bagong taon ng 2015. Para sa akin pagkaraan kong umabot sa 30 taong gulang, biglang naging napakabilis ng paglipas ng panahon, bawat araw, mayroon iba't iba at hindi mabibilang na pangyayari na di ko lahat matandaan ang petsa. At baka sa paglipas ng panahon, lumalaki nang lumalaki ang size ng inyong damit at dumarami nang dumarami ang kulubot sa inyong balat at ayaw na ayaw ninyong banggitin ang edad sa harap ng ibang tao. Pero, ngayong gabi, itatampok natin ang ilang babaeng singer na hindi takot na banggitin ang kanilang edad at gawin itong pamagat ng kanilang bagong kanta o album. Bago ito, mapapakingan natin ang isang kantang "The Forgotten Time".

Kamakailan, ang bagong kantang "Blank Space" ni Tylor Swift ay umakyat sa first place ng Billboard at ang second place ay isa pang kanta niya na "Shake if Off". Ang nasabing dalawang kanta ay kasama sa kanyang bagong album na pinamagtang "1989". Hanggang sa kasalukuyan, lumampas sa 2 milyong kopya ang benta ng album na ito at nananatili sa Billboard best selling album sa loob ng 3 magkakasunod na linggo. Baka ang 1989 ay lucky number ni Tylor. Isinilang ni Tylor sa taong 1989 at ang nasabing taon ng kanyang kapanganakan ang titulo ng kanyang bagong album na nagpakita na kanyang bagong istilo sa pag-awit. Mula sa pagiging country singer siya na ngayon au isang Pop Singer.

Bukod kay Tylor, naging title rin ng kanta ni Avril Lavine ang kanyang edad. Ang kanyang bagong kantang 17 ay naglalarawan ng magandang ala-ala niya noong siya ay 17. Isang panahon na sinabi ng lahat ng tao na maganda siya at isang panahong gusto niyang lihim na pumasok sa swimming pool ng kapitbay at maglaro roon. Samantala, ito ay isang kantang gumugunita sa napakaimportenteng bahagi ng kabataan ni Avril. Sa edad na 17, sinimulan ni Avril ang kanyang professional singing career at ipinalabas ang kanyang kauna-unahang album na LET GO.

Kung sina Tylor at Avril ay nagbalik tanaw sa kanilang buhay sa pamamagitan ng kanta o album na gamit ang kanilang edad, pinili naman ni Adele na ipinalabas ang mga album at maging milestone ng kanyang buhay. Halimbawa, ang kanyang album na 19 ay inilakip ang lahat ng kantang inawit niya noong siya ay 19 at ang kanyang album na 21 ay kinabibilangan ng mga musikang nilikha niya noong siya ay 21. This year, naging nanay siya, kaya siguradong marami siyang pwedeng pagkunan ng inspirasyon. Ayon sa mass media, ang album na nakatakdang ipalabas ni Adele sa katapusan ng kasalukuyang buwan ay tatawaging 25.

Matagumpay na natapos ang Billboard at American Music Award. Ngayon naman isa pang pinakamahalagang music award ng Amerika ang hinihintay ng lahat. Ang Grammy Awards ay nagpalabas ng listahan ng nominasyon. Ang mga bagong artista tulad nina Ariana Grende, Meghan Trainor, Iggy Azela ay naging pinakamainit na nominees. At mga big names tulad nina Katy Perry, Miley Cyrus, Lady Gaga ay nakakuha ng tig-isang nominasyon lamang. Siguro, may exception, si Beyonce, sa tulong ng kanyang bagong album na BEYONCE, nakuha ng singer ang 6 na nominasyon at hanggang sa kasalukuyan, siya ang may hawak sa record na 52 nominations sa kasaysayan ng Grammy.

Noong isang taon, sa tulong ng kantang Happy, sumikat si Pharrel Willams, actually, bagong niya awitin ang kantang ito, siya ay isang mahusay na music producer at nakakuha ng pagkilala ng Grammy noong taong 2004 at 2013. Pero, this year, salamat sa kanyang ika-2 album na "Girl", sa kauna-unahang pagkakataon, ininominate siya bilang Best Pop Singer at ang album na ito ay pumasok sa listahan ng nominees para sa Best Album of Year. Makakalaban niya ang album nina Beyonce at Ed Sheran, kung saan may mga kantang ginawa si Pharrel.

Sa aspekto ng Best Pop Singer, nakita natin ang pangalan nina Tylor Swift, John Legend, Pharrel Willams at Sam Smith, lahat sila ay kuna-unahang napasama sa kategoryang ito at kabilang dito, tiyak na magiging big winner si Sam Smith, bilang isang bagong singer na higit isang taon pa lang sa industriya ng musika, sa tulong ng kanyang unang album na "The Lonely Hour", naging winner siya sa halos lahat ng music chart sa iba't ibang sulok ng daigdig at nakuha ang anim na nominasyon sa Grammy tulad ni Beyonce.

May Kinalamang Babasahin
popchina
v Pop China Ika-35 2014 2014-12-15 17:59:08
v Pop China ika-34 2014 2014-12-05 20:21:31
v Pop China ika-33 2014 2014-11-28 12:55:36
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>