Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-35 2014

(GMT+08:00) 2014-12-15 17:59:08       CRI
Ang European Music Awards o EMAs ay itinatag noong taong 1994, at nagbabago ang lugar na pinagdarusan nito bawat taon. This year, ginanap ito sa Glasgow, Scotland. Hindi tulad ng Billboard, Grammy na pinili ang mga winners sa pamamagitan ng pagboto ng mga key players ng music industry, muling binalik ng EMA ang karapatan ng pagpili ng mga music fans at natanggap ng 2014 EMA ang mahigit 300 milyong boto mula sa buong daigdig. Ang naririnig ninyo ang kantang Baby na mula kay Justin Beiber, siya ang winner ng Best Male Artist sa EMAs nitong limang taong singkad.

Sa tulong ng kanyang unang album na "My Everything", tinalo ni Ariana Grande sina Tylor Swift, Beyonce at Katy Perry, at naging winner ng Best Female Artist at Best Song .

Mula noong 2013 American Music Award, natamo niya ang pagkakataon ng pagperform nang sarili, at buong lakas na sinamantala ni Ariana ang lahat ng pagkakataon para mag perform, kasama dito ang paglabas sa mga maliit na talk show o sa malaking pagtatanghal sa labas ng bansa, makikita ang kaibig-ibig na female singer na ito. Sa kanya, malalaman natin na "God helps those who help themselves."

Walang duda, popular na popular ang mga singer na puwedeng magtanghal sa stage ng EMAs at napakaimportante para sa kanila na samantalahin ang ilang minuto sa worldstage na ito para makatawag ng mas maraming pansin at makalikha ng ingay sa world of music.

Bilang host at winner ng Best Hip Hop singer sa 2014 EMAs, sa loob ng isang oras at 20 minuto, nagpalit si Nicki Minaj ng walong kasuotan. Enjoy na enjoy din ang mga fans sa tatlong numbers niya sa awards night. Kinanta niya ang kanyang hits na icki Minaj — "Super Bass," "Bed of Lies" (with Skylar Grey) at "Anaconda. "

Natamo naman ng mga poging Briton ang tatlong awards at sila ang naging big winner ng gabing iyon. Sila ay walang iba kundi ang grupong One Direction.

Hindi tulad ng ibang singer, na matapos maglabas ng album at matapos mag promote ng tatlo o apat na buwan, tapos, nagpapahinga na, nananatiling busing-busi ang limang lalaki sa pagdaraos ng kanilang world tour at sa pamamagitan ng paraang ito, nakuha nila ang suporta ng mga fans mula sa buong daigdig.

Tapos, pagkaraan ng tatlong round, 55 araw na pagboto, tinalo ang Five Seconds of Summer, BAP, One Direction at iba pang halos 100 superstars ang ipinagmamalaki kong winner ng Worldwide Act na si BIBI Zhou na galing sa mainland Tsina. Siya ay ika-3 winner na Tsino kasunod nina Han Gen at Chris Lee. At pagkaraang itaas ni Zhou ang trophy sa EMAs, agarang nag trending ang "Who is BB Zhou" na mula sa mga music fans na Europeo at Amerikano sa Internet.

Ang EMAs ay patuloy na magiging eagerly anticipated music-event. Kung titingnan ang listahan ng mga winner para sa 2014 EMAs, malalaman nating makakaranas ng pagbabago ang mundo ng musika ng Europa at Amerika, Patuloy ang kasikatan ng mga singers gaya nina Beyonce, Miley Cyrus, Katy Perry at iba pa, samantala, matapos ang EMAs di mapipigilan ang pagsikat ng ilang mga bagong pangalan. Si Justin Biber, na naging winner ng Best Male Artist nang limang beses, pero this year, hindi siya inanyayahan sa EMAs at hinalinhan siya ni Ed Sheran. Oh well kasabay ng kasikatan ang pagharap sa ilang mga intriga, di ba mga friends?

May Kinalamang Babasahin
popchina
v Pop China ika-34 2014 2014-12-05 20:21:31
v Pop China ika-33 2014 2014-11-28 12:55:36
v Pop China Ika-32 2014 2014-11-20 17:11:16
v Pop China Ika-31 2014 2014-11-13 17:34:32
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>