|
||||||||
|
||
Salamat sa Diyos, panahon na naman ng kapaskuhan sa Pilipinas! 26 days to go before Christmas! Sa kabila ng maraming kahirapan at pagsubok, nagkaroon tayo ng isang taong puno ng excitement. At tulad ng dati, ito ang petsa para sa inyong lingkod, Sissi na, magpadala ng mga ala-ala sa mga matapat na kaibigan sa iba't ibang sulok na daigdig.
Kaya nais kong ipaalala, attention please dear listeners, kung nagbago ang address ninyo nitong taong nakalipas, pakiteks sa akin sa 09212572397 o nag-iwan ng mesahe sa aming website o facebook, para makuha ko ang latest information. At sana matagumpay na matangap ninyo ang aking pagbati at pagkumusta para sa 2015.
Idinaos kamakailan ang Ika-49 na Academy of Country Music Awards, at bilang wind vane ng folk music ng Amerika, ang lahat ng winner ay nagtamo ng namumukod na resulta nitong isang taong nakalipas at kinatawan nito ang fashion at direksyong tatahakin ng folk music ng Amerika.
Ok, pagkaraang mapakinggan ang kantang Red na kaloob ni Taylor Swift, dating winner ng Artist of Year ng ACM Award, tingan natin kung sino ang big winner at sino ang umuwing luhaan sa awards.
Ang Pop Music, pabago-bago ang panlasa ng mga fans at walang humpay na nagpo-pop-up ang bagong mga artista. Sa aspekto naman ng folk music, napakatapat ng mga fans at napakapopular ng mga singer na 40 taon gulang na pataas, tulad ni Miranda Lambert. Sa kakatapos ng awards night ng 2014 ACM Awards, tinanggap niya ang apat na awards na kinabibilangan ng Best Female Singer, Best Song of the Year, Best Album of the Year at Best Duet, ang naririnig ninyo ang kanyang awit na winner ng Best Song of the Year na…
Baka, hindi pamilyar ang nakararaming tao kay Miranda Lambert. Isinilang siya sa isang pamilyang talagang mahilig at magaling sa musika. Noong 9 na taong gulang siya, sinimulang kumanta ni Miranda Lambert sa pagtututo ng tatay at nanay niya. At noong taong 2005, ipinalabas niya ang kanyang kauna-unahang album na agarang umakyat sa first place ng Billboard Best Selling Album. By the way, siya ang winner ng Best Female Artist ng ACM Awards nitong limang taong singkad.
Si Miranda ay itinuturing na Best Female Singer sa millenium na ito. Sa sirkulo ng folk music ng Amerika, hanggang sa kasalukuyan, naglabas na siya ng limang album, kabilang dito, sa tulong ng kanyang classic na The House That Built Me, natanggap niya ang Best Female Artist of ika-53 Grammy Awards. At isa pang bagay na dapat banggitin, ay ang kanyang asawa na si Blake Shelton, isang folk singer din. Siya ay nakakuha ng Best Male Artist sa 2014 ACM Awards.
Isa pang award na nakatawag ng malaking pansin ay ang Best Group of the Year. Maigting ang kompetisyon, naging winner ng Best Group ang bandang Lady Antebellum nitong 3 taong singkad, at this year, nakuha nanaman nila ang nominasyon at sigurong naging pinakapromising na kandidato sa award na ito. Pero, sa bandang huli, sayang tinalo sila ng beteranong folk group na Little Big Town at nawala ang pagkakataon ng muling maging winner.
Nabuo ang Little Big Town noong taong 1998 na binubuo nina lead vocals Karen Fairchild,back-up vocals Kimberly Roads,guitarist Jimi Westbroo at drummer Phillip Sweet. Hanggang sa kasalukuyan, naproduce na nila ang limang album at noong 2013, nakuha nila ang best folk band sa Grammys. Matapos ang awards night, inanyayahan pa nila si Ariana Grande na magkasamang magperform sa stage.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |