|
||||||||
|
||
Mga dalawang linggo na ang nakakalipas, isinalaysay ko ang best selling album para sa taong 2014, at kamakailan, ipinalabas ng Billboard Magazine ang Top 108 Best Selling Albums nitong limang taong nakalipas mula taong 2010 hanggang taong 2014. At mula sa listahang ito, makikita natin kung aling istilo ng musika ang pinakapopular ngayon sa Amerika at aling kanta ang pinatugtog nang pinakamaraming beses. Bago rito, pakinggan muna natin ang isang singer galing sa mainland Tsina na nakabenta ng pinakamaraming kopya ng album noong taong 2014. Kantang "Unforgettable U" na ibinigay ni Chris Lee.
Sa listahan ng Top 108 Best Selling Albums nitong limang taong nakalipas mula taong 2010 hanggang taong 2014, ang ika-10 ay ang album "Sigh No More" na ibinigay ng bandang Mumford&Sons na ipinalabas noong taong 2009 at nakabenta ng 3.17 milyong kopya.
Top 9, ito ang kauna-unahang album ni Justin Bieber na "My World 2.0" na ipinalabas noong taong 2010 at bumenta ng 3.34 milyong kopya.
Ang ika-8 ay album na kumatawan sa transition ni Tylor Swift mula isang folk singer sa isang Pop Singer-"1989", bagama't ipinalabas ito noong Agosto, sa loob ng limang buwan lamang, naibenta ito ng 3.66 milyong kopya.
Sa isang programa, napakinggan natin ang kantang "Baby It's Cold Outside", at sa panahong iyon, nalaman natin ang pangalang Michael Bubble, bilang isang specialist sa mga Yuletide Songs, tuwing Krismas, ang album niya ang nagkakaroon ng best selling record sa mga music store. At ang kanyang album na "Christmas" na ipinalabas noong taong 2011, hanggang sa kasalukuyan, ay binili na ng 3.73 milyong music lovers at lumalaki pa ang bilang na ito sa panahon ng kapaskuhan.
Tapos, dumating tayo sa Top 6, ito ay walang iba kundi ang best selling album ng taong 2014, ang soundtrack ng animated film na "Frozen" na "Let it Go". Opo, 3.86 million copies and record sales nito.
Susunod sa ating countdown and nalalabing limang successful albums ayon sa Billboard. Excited na ba kayo? Here they are.
Actually, kung titingan ang buong listahan, ang folk music ay nananatiling isa sa mga pinakapopular na istilong musikal sa Amerika, sa 10 Best Selling Albums nitong limang taong nakalipas, may apat na folk music albums na nasa ika-3, ika-4 at ika-5 puwesto. Ang ika-2 album na "Need U Now" na kaloob ng bandang Lady Antabelum, sapul nang i-release ito noong taong 2011, umabot sa 4.07 milyon copies ang sales nito sila ang tanging banda na pumasok sa Top 5 Best selling album nitong 5 taong nakalipas.
Bagama't hindi naging final winner, walang duda, si Tylor Swift ay pinakamalaking winner sa sirkulong musikal ng Amerika sa pagitan ng taong 2010 hanggang taong 2014. Sa sampung best selling albums, may tatlong siyang album na kinabibilangan ng isang Pop Album na "Shake it off" at dalawang folk albums na "Red" at "Speak it now".
Tapos, tingan natin ang tanging Hip-Hop album sa Top 10 Best Selling Albums, dito, dapat pasalamatan ng lahat ng hip hop fans sa buong daigdig si Eminem, salamat sa pagsisikap niya, nagkaroon ng isang slot ang Hip-Hop music sa pakikibaka ng Pop, folk, rock, dance at electronic music. Ang kanyang album na "Recovery" na ipinalabas noong 2010 ay nakabenta ng 4.66 milyong kopya.
Ang album na nasa first place sa talaan ng best selling album nitong 5 taong nakalipas ay isang album na nakabenta ng pinakamaraming kopya sa Britanya pagpasok sa ika-21 siglo at nanatili sa first place ng Billboard nang 22 linggo. Ang ika-2 album ni Adele-"21" na ipinalabas noong taong 2011, bumenta ito ng 11 milyong kopya na doble ang bilang kumpara sa second place na "Recovery."
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |