|
||||||||
|
||
Ang BBC Sound of Year ay sinimulan noong taong 2003. Ang grupo ng mga judge ay binubuo ng 213 music critics, music reporters, DJs, editors ng website, bloggers at iba pang propesyonal sa music industry. At ang mga kandidato ay dapat sa ilang criteria: una, hindi dapat sila sikat sa loob ng Britanya. Ika-2, bago ang Nov 11th ng taong ito, walang dapat sialng anumang kanta o album na pumasok sa TOP 20 ng music chart, ibig sabihin, mga nameless na singer na galing sa iba't ibang sulok na daigdig, At sa tulong ng paggagalugad ng BBC Sound of Year, ang mga nominado ay makakatawag ng mas mamaraming pansin mula sa publiko at music fans.
Ang winner ng BBC Voice of 2008 ay isang ordinaryong babae. Kung hindi naging singer, baka nananatiling malungkot siya dahil sa pagtanggi sa kanyang pagmamahal ng isang lalaki. Pero, pagkaraang manalo sa Sound of Year, nagbago ang takbo ng kanyang buhay, mainit na tinanggap ang lahat ng mga kantang sinulat niya para sa lalaking bumasted sa kanya. Perpektong boses, dagdagan pa ng kanyang namumukod na talento sa pagkatha, nakatawag ng malaking pansin mula sa mass media at music fans at ang pagiging winner ng BBC na kinikilala ni Adele na spring board niya ang BBC Voice para makapasok sa music world.
Isa pang singer na natamo ang pagkatig ng mga judge ng BBC ay si Jessie J. Di ba nabanggit ko earlier ang isa sa mga criteria at dapat walang kanta o album na pasok sa TOP 20 ng music chart. Sa kaso ni Jessie J, pagkaraang maging winner ng BBC Voice ng 2011, 10 araw lamang ang nagdaan, umakyat sa ika-2 puwesto ang kanta ni Jessie J na Domino sa music chart.
Bukod kina Sam Smith, Jessie J at Adele, mayroon isa pang sikat na singer na natanggap ang pagkilala ng BBC, iyan ay walang iba kundi si Lady Gaga, sa labanan noong 2009, si Lady Gaga ay ininominate sa ika-6 na puwesto, bagama't hindi nakatawag ng pansin sa Britanya si Lady Gaga, nakuha naman niya ang nominasyon kahit walang anumang angat na katangiang at espesyal na resulta
Pagkaraang tayo ay mag balik-tanaw sa mga kilalang winner at singer na pinili ng BBC nitong 10 taong nakalipas, ituon natin ang pansin sa sa dalawang batang nominee ng 2015 BBC. Ang naririnig ninyo ay ang kantang "Desire" kaloob ng bandang Years&Years, bago maging BBC Sound of 2015 Winner, ang kanilang pinakamataas na pwesto sa UK Charts ay ika-22. At ngayon, busing-busi sila, sa mga pagtatanghal, interview, TV appearances na pumupuno sa kanilang pang araw araw na iskedyul.
Kumpara sa Years&Years, parang napakapopular ng second placer ng 2015 BBC, na si James Bay. Mula noong taong 2013 hanggang sa kasalukuyan, naipublisize ni James ang tatlong album, at ang mahigpit na partnership nila ng luxury brand na Burberry ay nakuha ng mas maraming pansin mula sa publiko. Kahit naging second place sa BBC Voice, sa katatapos na Critic Choice Awards naman, tinalo niya ang bandang Years&Years at naging winner ng Best New Artist.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |