|
||||||||
|
||
Tuwing Pebrero, idinadaos ang Super Bowl ng Amerika. Pero, kumpara sa football, mas interesado ang music fans sa buong daigdig sa performance sa half time, Sina Micheal Jackson, Madonna, Boyonce at Bruno Mars ang ilan sa mga artists na nag-perform na sa super bowl. At ito ay naging isang palatandaan ng popularidad at pagkatapos ng performance mas lalo pang nadagdagan ang kanilang kasikatan. Noong isang linggo, pormal na isinapubliko ang napiling singer para this year at can you guess kung sino ito? Pakinggan muna natin ang bagong kantang "Uptown Punk" ni Bruno Mars, unang dugong-Pilipino na umakyat sa Super Bowl.
Bilang isang singer at songwriter na isinilang noong 1985, noong isang taon, sa pamamagitan ng limang kanta unawit nang 13 minutong tuluy-tuloy, nakakuha si Bruno Mars ng mahigit 115 milyong viewership rating na naging bagong rekord nitong 20 taong nakalipas. At ito ay hamon para kay Katy Perry na ipakita ang kanyang popularidad. Kaya ba niyang lampasan ang audience rating na nakuha ni Bruno Mars o aabot Ba siya sa record na 110 milyon ni Madonna at 110.8 milyon ni Beyonce? You're guess is as good as mine.
Ang Super Bowl ay isang mabisang plataporma ng mga mang-aawit para iangat ang kanilang popularidad at pinakamagandang spring board sa karera. At pagkaraang makuha ang malaking tagumpay ng kanyang album na "PRISM" sa taong 2013 -- natural na natural na naging mainit na kandidato si Katy Perry. Agarang lumitaw ang balita sa Internet na nagsasabing magbabayad si Katy para makapagtanghal sa Super Bowl at kaugnay nito, sinabi ni Katy sa isang live program na "I am not the type of girl that pays to play for Super Bowl."
Tulad ng bagong album na 1989 ni Tylor Swift, ang dating album ni Katy Perry na Prism ay pinakapopular at best selling album sa katapusan ng taong 2013. Kasama sa album ang hottest hits tulad ng "Roar", "Dark Horse" "This Is How We Do" "Unconditionally" at siya ay nakakuha ng isang mga awards na kinabibilangan ng Best Female Artist ng Billboard, at Best International Artist ng British Music Award.
Noong taong 2008 sa European Music Awards, bilang MC ng awards night, umakyat si Katy sa stage sakay ng isang bapor na may ayos ng banana, bukod dito, naghanda si Katy ng 12 kasuotan na may elemento ng prutas. Matagumpay na nakatawag ang kagawiang ito ng malaking pansin mula sa mga music fans, pagkaraan nito, madalas na ginamit ni Katy ang elemento ng prutas sa kanyang music life. Paiba iba ang kanyang ayos, hindi tulad ng Lady Gaga o Miley Cyrus, tinggap si Katy Perry ng fans mula sa iba't ibang sirkulo at edad.
Samantala, bukod ng makulay na buhok at mabling bling na kasuotan. Si Katy is far more than a sweetheart. Napakinggan na ba ninyo ang kanyang kantang "You Are So Gay" ano ba ang mas sikat ito o iyong kantang nanatili sa first place ng Billboard nang 7 linggo na " I Kissed A Girl"? Pag napakinggan ninyo ang mga kantang ito na may provocative lyrics Im sure di nyo sasabihing sweetheart ang singer na ito.
Ok, diyan nagtatapos ang Pop China para sa gabing ito. Taos-pusong binabati ko si Katy na sana ay maging matagumpay ang kanyang performance sa Super Bowl at sana ay makuha niya bagong rekord ng viewership ratings.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |