|
||||||||
|
||
popchina20150321
|
Kamakailan, batay sa bilang ng pag-download ng kanta, pinili ng Spotify, pinakamalaking streaming media sa buong daigdig, ang Top 10 Most Popular Female Singer para sa taong 2014. Isang kawili-wiling bagay ang isinapubliko ng dalawang listahan, isa, Top 10 na pinili ng mga lalaki at isa, pinili ng mga babae, at sa ilang puwesto, sobrang magkaiba ng kanilang pagpili. Ngayong gabi, samahan nyo ko si Sissi, at tingnan natin kung sino ang paboritong female singer ng mga babae, samantala, sino ang nakatanggap ng mas mainit na pagtanggap sa pagitan ng mga lalaki.
Actually, pare-pareho ang apat na pangalan sa mga Top 5 Pinakapopular na babaeng singer na pinili ng babae at lalaki, sila ay sina Katy Perry, Lana Del Rey, Rihanna at Ariana Grende, pero, medyo magkakaiba ang puwesto. Halibawa, hindi tulad ni Ariana Grende na ipinalabas ang tatlong album sa isang taon, pagkaraan ng taong 2012, walang bagong album si Rihanna. At bagama't sa 5 taon lamang ang agawat ng gulang nilang dalawa, kung titingnan ang appearance at istilong musikal, si Rihanna ay parang 10 taong gulang na mas matanda kumpara kay Ariana.
Siguro, ang mukha ay isang napakaimportanteng elemento para sa mga music fans, lalong lalo na para sa mga lalaki, kaya, natural na natural na nakikita natin sa puso ng mga lalaki, napakataas ng puwesto ni Ariana-napakacute na little sister sa kapitbahay, kumpara kay Rihanna-isang medyo aggressive na elder sister. At para sa mga babae, paborito nila ang iyong tao na mas pamilyar at mas mature. Kaya, sa listhang pinili ng mga babae, si Rihana ay ika-4 na pinakapopular at si Ariana ay ika-5, pero, sa listahang pinili ng mga lalaki, si Ariana ay Ika-4 at si Rihann8613801118422a ay ika-5.
Kung tingan ang bilang ng pag-download sa Spotify lamang, ang pinakapopular na babaeng singer ay dapat si Katy Perry, siya ang No-2 na pinakapopular sa listhang pinili ng mga babae, at No 1 pinakapopular sa mga lalaki. Bagama't ika-7 beses na walang nakuhang gold phonograph sa Grammy, abalang abalang siya sa pagdaraos ng konsiyerto at nagtamo ng pinakamalaking record sales kumpara sa ibang singer sa taong 2014. Mayroon siyang malaking pagkatig ng mga music fans, dapat ikasiya ito ni Katy.
Tapos, tingan natin si Lana Del Rey, noong taong 2014, ipinalabas ng nasabing Britanikong babaeng singer ang ika-3 ablum na Ultraviolence at sa unang linggo, naibenta ang 182 libong kopya na pumasok sa Top 200 best selling album ng Billboard ng Amerika. Bukod dito, inawit niya ang soundtrack ng Disney animated film na Maleficent na ginampanan nina Angelina Jolie at Elle Fanning. Siya ang ika-3 pinakapopular na female singer pawang sa listahang pinili ng babae at lalaki.
Hindi naging No 1 si Katy Perry sa listahan ng Top 10 pinakapopular na babaeng singer na pinili ng mga babae, dahil nakapagbigay sila ng mas maraming pagmamahal kay Beyonce. At si Beyonce ay nagdulot ng pinakamalaking pagkakaiba sa pagitan ng mga babae at lalaki. Bagama't siya ang No. 1 sa puso ng mga babae, pero, sa grupo ng mga lalaking fans, hindi siya pumasok sa Top 5. Sa halip niya, ini-cast ng mas maraming lalaki ang kanilang boto kay Lorde. Isang mahigit 30 taong gulang na nanay versus isang di-kukulangin sa 18 taong babae, muling ipinakitang Man is fond of the new and tired of the old, always.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |