|
||||||||
|
||
Ang unang biyaheng musikal natin sa gabing ito ay Timog Korea, kamakailan, ipinalabas ni Amber Liu, miyembro ng F(x) ang kanyang kauna-unahang mini album na "Beautiful". Sa pagshu-shot ng music video ng carrier song niyang "Shake that brass", inanyayahan ni Amber sina Hyoyeon, lider ng "Girls Generation", Park Joon Hyung galing sa G.O.D. at iba pang kaibigan na magkakasamang mag-perform sa video at ang buong video ay kinakitaan ng mga malalaking K-Pop Star.
Pagkaraang mapakinggan ang magandang melody mula sa Asya, tapos, punta naman tayo sa Europa, at tingan kung may anumang bagong musikang hindi dapat mamiss.
Kapag naging popular na popular ang walang bayad na pag-down-load sa Internet, at unti-unting sasadlak sa resesyon ang recording industry, noong isang taon, ipinasiya ni Tylor Swift na ini-off-shelf ang lahat ng kanyang music sa website at ibenta ang kanyang album sa music store lamang, at dahil dito, naibenta ng mahigit 1.5 milyong kopya ng kanyang kauna-unahang Pop Album na "1989". Dahil dito, noong Pebrero, tinanggap ni Tylor ang isang bagong kaparangalan-"Artist Of Year" Award na ibinigay ng International Federation of the Phonographic Industry(IFPI) bilang papuri sa malaking ambag na ginawa ni Tylor sa record industry.
Sa kasalukuyan, sa mga first class na batang singer, bukod ng Tylor Swift, si Ariana Grande naman ay tumanggap ng malawakang pagtatanggap. Ipinalabas niya kamakailan ang bagong kantang "One Last Time" na nagpapakita ng isang love sa end of the world, sa kabila ng pagbagsak ng mga butuin, pagtatakbo ng mga personaheng panaklolo, nananatiling naghahanap ang babae ng kanyang loved one. Actually, madly deeply in-love si Ariana sa isa pang singer na si Big Sean, baka, ang kantang ito ay galing sa bottom of her heart.
Katatamo lang ng "Best Female Artist" award sa BRITS, inilabas agad ni Paloma Faith ang kanyang mini album noong Pebrero. At ang naririnig ninyo ay ang pangunahing kanta niya na "Beauty Remains". Mahigit 35 taong gulang na siya, at pumasok sa sirkulong musikal nang anim na taon, Sa mula't mula pa'y, nananatiling nagdadamit si Paloma Faith ng mga maliwanag na gulay tulad ng isang Barbie doll-medyong exaggerated na eye make up, dagdagan pa ang sobrang mataas na bun.
Para sa "Image Dragon", puwedeng sabihing ang taong 2014 ay tugatog ng kanilang karera, unang una, inawit nila ang soundtrack ng Transformer III at sakay ng transformer fever, sumikat sila sa buong daigdig. Natamo ang nominasyon sa halos 40 award at sa bandang huli, nakuha ang 17 awards na kinabibilangan ng Top Streaming Song (Audio), Top Duo/Group, Top Rock Album ng Billboard at Best Rock Performance ng Grammy. Noong Pebrero, ipinalabas ng Image Dragon ang kanilang ika-2 album na pinamagatang smoke and mirrors at agarang naibenta ang 172 libong kopya sa loob ng isang linggo lamang na naging Top 1 sa Billboard Best Selling Album.
Last but not least, isang bagong kantang galing sa isang lalaking singer na nagugustuhan ko, kantang Nothing Without Love" na kaloob ni Nate Ruess, leading vocalist ng bandang "Fun". Dahil hindi kayang marating ng mga miyembro ang pagkakaisa sa ideyang musikal, 2 taong na hindi napakinggan ang anumang balita o kanta ng bandang "Fun". Sa tulong ng kantang ito, posibleng posibleng na ilalabas ni Nate Ruess ang solo album at muling mapapakingan natin ang kanyang prepektong boses.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |