|
||||||||
|
||
Ang pagtatapos ng taong 2014 ay nangangahulugang papasok na tayo sa unang kuwarter ng ika-21 siglo. At noong isang linggo, isinalaysay ko ang Top 10 Best Selling album nitong 5 taong nakalipas mula noong taong 2010 hanggang taong 2014. Si Adelle ang winner sa category na ito at sa tulong ng kanyang ika-2 album na "21", nakabenta ito ng mahigit 10 milyong kopya at naging Top 1. Actually, bukod sa best song, ilalabas ng billboard ang isa pang listahan ng worst songs nitong 5 taong nakalipas. Ang Black Eyes Peas at si Billy Ray Cyrus - tatay ni Miley Cyrus ay kasama sa listahan.
Unang-una, tingan natin ang isang kantang Chinese food kaloob ng little beauty na si Alison Gold , bagama't umawit siya about how much she loves fried rice, noodles, chow mein at iba pang Chinese food, ang pagkain na nakita sa music video ay mga fast food tulad ng Mc Donalds at KFC, at iyong cook ay mukhang Hapones. At ang mga babae na sumasayaw kasama ni Alison sa video ay mga geisha girls. Pero, sa Youtube, lampas sa 2 milyong beses na itong pinanood sa loob lang ng 24 na oras, kaya curious ng mga foreigner sa Chinese Food.
Top 9, kantang "Miracles" na mula sa Insane Clown Posse. Ang problema ng nasabing kanta ay music video naman. Kung hindi sasabihan sa inyo, tiyak na hindi ninyo alam na ipinalabas ito sa taong 2010 at maliit ang budyet ng Insane Clown Posse, sa video, makikita ninyong parang floating ang singer sa kalawakan, sa skyscraper, sa cable-stayed bridge, puwedeng gumawa ng ang epektong ito ang isang beginner ng photoshop. At ayon sa Billboard, their song sounds like it was made in the 15th century.
Tapos, ika-8, Huwag ninyong isipin na hindi papasok sa listahan ang kanta ng mga big names. Noong taong 2010, ipinalabas ng Black Eye Peas na anim na beses nagtamo ng Grammy Awards ang kantang The Time, tiyak na napakinggan ito ng maraming music fans at noong ipapublisize, naging pang-apat ito sa Billboard Top 100. Pero, ang tagumpay sa komersyo ay hindi nangangahulugang magiging magaling ang remarks ng mga dalubhasa. At ipinalalagay ng mga music critics na ito ay masamang re-edit ng sound track ng pelikulang "Dirty Dancing".
Kung banggitin ang Billy Cyrus, baka hindi niyo alam kung sino ba siya, pero, tiyak na pamilyar kayo sa kanyang anak na babae na si Miley Cyrus. Actually, noong 1980s, si Billy Cyrus ay isang napakapopular na folk singer at ang kanyang pinakamagandang resulta ay ika-4 na puwesto sa Billboard. Kasunod nang pagsikat ni Miley, inire-edit ni Billy ang kanyang classic hits, nadagdagan ng elemento ng Hip-Hop, pero, ayon sa billboard: sometimes, it's best to leave the past alone.
Bagama't nag-cheers tayo para sa pagbalik ni Lil Jon dahil sa kanyang kantang "Turn Down For That", napulaan siya dahil sa kanyang kantang "Literally I Can't" na nakipag-collborate kay LMFAO. Gumawa ito ng isang deadly na kamalian-ininsulto ang lahat ng babae sa ilalim ng langit, pagkaraang pagtawanan nina Lil Jon at LMFAO ang mga babae sa kanta, pinili ang kantang ito na No 1 worst Song nitong 5 taong nakalipas.
Tapos, ang susunod na Sabado ay Valentine's Day, mga ladies , handa na ba kayo sa pagtanggap ng sorpresa? At nabasa ko ang isang artikulo kamakailan na nagsasabing "Gising na, Mga babae!" Huwag ilagay ang inyong pag-asa sa Feb 14 th, kung ikasal ka kay Mr Right, ang bawat araw ay Valetine, kung ikasal kay Mr Wrong, ang bawat araw ay Halloween, kung ikasal sa isang tamad, ang bawat araw ay Labor's Day, kung ikasal sa isang womanizer, ang bawat araw ay Single's Day, kung ikasal sa isang naïve, ang bawat araw ay Children's Day at kung ikasal sa isang lider, ang bawat araw ay Fool's Day…
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |