|
||||||||
|
||
Natatandaan na ninyo na sa taong 2014, lumampas sa 11 milyong kopya ang benta ng na "Let It Go" theme na animated film na "Frozen" at naging ika-2 Best Selling Album pagpasok sa ika-21 siglo. At sa kalalabas na listahan ng Top 200 Best Selling Album, makikita nating bagama't mayroon pitong bagong album na nakabenta ng mahigit 600 libong kopya, ang kabuuang bilang ng pagbenta nito ay hindi umbot sa kalahati ng bilang na nakuha ng "Let It Go".
Hindi tulad noong unang kalahati ng taon ng 2014, magkakasunod na ipinalabas ang album nina Beyoncé, Katy Perry at Cold Play, medyo kaunti ang mga stars na kumislap sa 2015, kaya, salamat sa malakawang pansing nakuha ng controversial movie na "Fifty Shades of Grey", naging ika-5 Best Selling Album ang soundtrack nito na inilakip ang mga kantang kaloob nina Ellie Goulding,The Weeknd,Annie Lennox at Beyonce. At sa tulong ng kanilang album na ipinalabas mahigit isang taon na, umakyat ang pangalan nina Ed Sheeran at Sam Smith sa ika-4 at ika-3 puwesto.
Noong Pebrero ng taong ito, kung titingnan ang Billboard Hot 100, makikita ninyong 14 na mga kanta ay galing sa iisang singer, siya ang rapper, singer, producer na si Drake na galing sa Kanada. Sa lahat ng 14 kanta, 10 kanta ay inawit ni Drake at ang apat na iba pa ay mga kantang nakipagcolloborate siya sa ibang singers. By the way, sa unang linggo ng pagsasapubliko ng kanyang bagong album na "If You're Reading This It's Too Late", umabot na sa mahigit 53 libong kopya ang naibenta kaya naging ika-4 na winning album ito ni Drake sa kanyang music career.
Noong 2015 Billboard Music Award, Si Taylor Swift ay walang dudang biggest winner. Bukod sa Best Female Singer at Best Album, dalawang napakaimportanteng award, natamo ni Taylor ang 12 nominasyon at ang 8 gintong microphone. At mula Oktubre 2014 hanggang sa kasalukuyan, ang kanyang album na "1989" na nagpakita sa paglipat niya mula country music to pop, ay nakabenta ng 4.3 na milyong kopya para maging No.1 Best Selling Album sa unang kalahating bahagi ng taong 2015.
Samantala, sa listahan ng Billboard Hot 100 Singles, the situation is completely different-umabot sa 4 milyon ang benta ng kanyang album at lampas sa 200 milyon ang views ng mga music video ni Tyalor sa Youtube, walang kantang pumasok sa Top 10, dahil ito sa sobrang lakas ang mga winners.
Bilang huling Fast & Furious movie ni Paul Walker bago siya yumao sa isang car accident, dinumog ng mga movie fans ang pelikula, nagpahayag ng kanilang pakikidalamhati kay Paul, at natural na natural, naging mainit na topic ang theme song na "See U Again". Hanggang sa kasalukuyan, pumasok ang "See U Again" sa Billboard nang 16 na linggo, at 11 linggo, sa first place. Ang popularidad ng pelikula at masarap na pakinggang melody ay naging sikreto ng tagumpay nito.
Hindi lamang sa Kanada, kundi sa Amerika, nakita natin ang malaking epekto ng napa talented na si Ed Sheeran, pagkaraang likhain ang isang record sa UK na nananatili sa Top 40 ng UK Chart nitong 52 linggong singkad, umabot naman sa 34 linggo ang kanyang kantang "Thinking Out Loud" sa Billboard Hot 100, bagama't ang best result nito ay second place lamang, bilang isang singer na hindi nagdadaos ng malawakang promotional activity at hindi lumalahok sa anumang TV progroma sa Amerika, nanatili ang kanyang kanta sa Billboard nitong 9 na buwang nakalipas, talagang ang musika ni Ed Sheeran ang pang-akit niya sa mga music fans.
Mula noong taong 2010, walang isang kantang nananatili sa first place ng Billboard nang mahigit 13 linggo hanggang pumasok sa taong 2015, mayroon isang kantang binago ang kalagayang ito. Iyan ay walang iba kundi ang kantang Uptown Funk na kaloob ng Britanikong Musician na si Mark Ronson at American Pop Singer na si Bruno Mars. Lumampas sa 4 na milyong beses ang bilang ng pagdown-load nito sa mga streaming sites sa loob ng 14 na linggo at nanatili sa first place ng Billboard nang 14 linggo. Ang kantang "Uptown Funk" ay naging pinakapopular na single para sa unang kalahating taong ng 2015.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |