Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-37 2015

(GMT+08:00) 2015-10-17 17:00:12       CRI
Nakatakdang ipalabas ang ika-24 na James Bond 007 movie na "Spectre" sa susunod na buwan sa North America at buong Asya, at muling ipinaalala nito sa ating lahat kung gaano ka-charming na species ang tinatawag na British Man. Hindi lamang mayroon silang guwapong mukha, magaling na acting skill, mataas na edukasyon kundi nagtatanging personal charm, kaya, matagumpay na sinakop na nila ang Hollywood pati ang puso ng mga babae sa buong daigdig. Sa programa ngayong araw, samahan ninyo ako --- Sissi, para maging mas malapit tayo sa mga British men na minamahal ng lahat ng babae sa buong daigdig.

Ang unang British male actor na nagpatibok sa puso ng mga ladies worldwide ay si Ben Whishaw, graduate mula sa Royal Academy of Dramatic Art. Noong kanyang ika-4 taon sa campus, ginampanan niya ang batang Hamlet na may-sakit ng autism na nakatawag ng mataas na papuri mula sa mga drama critics at nominasyon sa Laurence Olivier Award, pinakamataas na drama award sa UK. Tapos, sa tulong ng kanyang namumukod na performance sa James Bond 007 Series na Skyfall at Cloud Atlas, ibayo pa siyang sumisikat sa buong daigdig.

At bilang isang big baby boy na isinilang noong taong 1989, guwapo na guwapo si Nicholas Hoult. Noong 7 taong gulang pa lamang, mayroon na siyang unang big screen performance sa pelikulang "The Evening Star", tapos, magkakasunod ng ginampanan niya ang ilang napakapopular na leading at supporting roles tulad ng anak na lalaki ni Nicolas Cage sa pelikulang "The Weather Man", Beast sa pelikulang "X-Men: First Class", isang zombie na tinatawag na "R" sa pelikulang "Warm Bodies" at iba pa. sa tulong ng mga ito, nakuha niya ang kasikatan pati ang pagkilala mula sa mga fans sa buong daigdig.

Si Eddie Redmayne ay unang Oscar winner na isinilang pagkaraan ng 1980s. Noong 12 taong gulang pa lamang, sinimulang mag-perform siya sa London's West End at habang nag-aaral siya sa Eton College at University of Cambridge, siya ay naging lead actor sa mga stage play at mula noong 17 taong gulang, tinanggap ni Eddie ang iba't ibang awards sa drama. Sa kanyang pinakahuling pelikulang Danish Girl, ginampanan niya ang kauna-unahang lalaking tumanggap ng transsexual operation sa buong daigdig, mula sa appearance, make-up hanggang action at psychology, siya ay naging isang totoong transgender, at baka muling makikita ang kanyang pangalan sa susunod na Oscar.

Ang pangalan ng susunod ng Britanikong male actor ay baka isa sa mga pangalan na pinakamahirap i-pronounce sa buong daigdig. Let me see.. Benedict Cumberbatch. Pero, kumpara sa kanyang pangalan, mas unforgettable ang kanyang mukha. Sa pamamagitan ng kanyang performance sa TV series na Sherlock, sumisikat si Benedict Cumberbatch sa buong daigdig dahil siya ang ultimate definition ng salitang "sexy" sa 21 century. By the way, magaling naman ang kanyang kakayahan sa pagkanta, ang naririnig ninyo ay ang kantang "Can't keep it inside", soundtrack ng pelikulang August: Osage County na inawit ni Benedict Cumberbatch.

Hindi tulad ng ilang gentleman na nabanggit ko, sa pelikulang Death Squad man o sa Fast and Furious, ginagampanan ni Jason Statham ang mga iron man, tough guy na may matibay na isipan at agile na skill. Pero, hindi alam ng nakararaming tao na bago maging actor, naging miyembro siya ng National Diving Team ng UK nang mahigit 12 taon. pero, ang pinakamagandang result ni Jason ay ika-12 place sa 12th World Diving Championship. Hanggang ngayon, puwedeng makita ang video clip ng kanyang paglaban sa Internet.

Sa karaniwan, hindi natin iuugnay ang "villain" sa salitang "sexy", pero, kay Tom Hiddleston, nawala ang lahat ng regulasyon. Ang villain na ginagampanan niya ay nakatanggap ng mas mainit na pagmamahal mula sa fans kumpara sa mga super heros. Napiling ika-2 place sa Top 100 sexiest male actor, nag-aral minsan si Hiddleston sa Royal Academy of Dramatic Art, Eton College at University of Cambridge, bukod sa pag-perform, mahusay din siya sa pagtugtog ng gitara, paglaro ng tennis, table tannis, diving, volleyball at iba pa. Samantalahin ang kanyang kaakit-akit na boses dahil marunong siyang magsalita ng 7 wikang dayuhan. Siya ay commentator din ng BBC documentary film.

Pagkaraang mapanood ang pelikulang Kingsman: The Secret Service, tiyak na matatandaan ninyo si Colin Firth at ang kanyang sikat na dialogue na "Manners Maketh Man". Napiling isa sa 50 pinakaguwapong lalaki sa buong daigdig, noong 2011, dahil sa kanyang pagganap sa pelikulang "The King's Speech", nakuha ni Colin Firth ang Best Male Actor Award sa ika-65 Golden Globe Awards at ika-83 Oscars. Bukod dito, kung wala sa harap ng camera o nasa stage na umaarte, gusto ni Colin na sumulat ng kuwento, tumugtog ng gitara at sariwain ang kanyang days bilang lead vocals ng isang rock & roll band.

May Kinalamang Babasahin
popchina
v Pop China Ika-36 2015 2015-10-17 16:58:26
v Pop China Ika-35 2015 2015-10-17 16:53:38
v Pop China Ika-34 2015 2015-09-25 21:31:24
v Pop China Ika-32 2015 2015-09-12 16:48:21
v Pop China Ika-31 2015 2015-09-05 18:23:14
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>