Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Espesyal na koleksyon ng mga super star

(GMT+08:00) 2016-08-02 17:29:02       CRI

Tulad ng inyong laging happy na DJ Sissi, baka hindi pinag-uukulan ng pansin ng nakararaming tao ang ilang balitang may kinalaman sa auction dahil walang interest o more frankly, walang sapat na pera. Pero, malaman kong isasagawa kamakailan ng Sotheby's, pinakasikat na auction company, ang isang espesyal na event kasama ang napakaguwapong bisita at plinano niya ang isang espesyal na auction na nakatakdang idaos sa darating na Oktubre. Ang guwapong bisita ay si T.O.P ng No. 1 K-Pop boy group na Big Bang. At this time, ang title niya ay hindi isang super star, kundi isang kabataang collector.

Ang pangalan ng nasabing charity auction na nakipag-collaborate si T.O.P sa Sotheby's Hong Kong ay TTTOP. Hindi lamang niya ididisplay ang mga modernong art piece na kinolekta niya, kundi iaabuloy ang lahat ng kita ng auction sa Asian Cultural Council para katigan ang mga bagong artista. Ayon kay T.O.P, para ipagkaloob ang mas matatag at mas maginhawang kapaligiran ng paglikha sa mga talent pero mahirap ito para sa artistang Asyano, kaya kailangang gumawa ng katulad nito .

Bagama't nananatiling cool na cool, sa private time, si T.O.P actually, ay isang super fan ng sining. Punong puno ang kanyang bahay ng mga painting, furniture na ginawa ng kilalang designer, particular na, gustong gusto niya ang mga silya. At kung titingan ang kanyang instagram, kung aalisin ang mga selfie ni T.O.P, parang pumasok kayo sa isang web page ng museo or art gallery. Actually, maraming kapamilya ni T.O.P ay artista. Isa sa kanyang lolo ay pioneer ng impressionism sa Timog Korea at ang maternal grandfather niya ay isang novelist at ang kanyang nanay at ate ay pawang painter.

Bukod kay Top, sa showbiz, mayroong maraming super star na may espesyal na hobbies ng pagkolekta ng art works. Halimbawa, napakapowerful ng mga role na ginagampanan ni Angelina Jolie, at napakamapanganib naman ang mga collection ni Jolie. Noong bata pa, natanggap nito ang kauna-unahang dagger bilang regalo, habang naglalaro ang ibang babae ang Barbie doll, lumaki si Jolie kasama ng mga knife. at even ang Christmas gift, gusto niyang matamo ang isang antique cutter. Kaya, noong ini-shot ang pelikulang "Tomb Raider", madali ang ilang fighting action para sa kanya.

Birds of the same feather live together, gustong gusto naman ni Brad Pitt ang mga metal items. Gamit ni Angelina Jolie ang kanyang impluwenisya, nahahanap nito ang mga pambihirang cutting set sa buong daigdig, inilaan naman ni Pitt ang maraming pera para bumili ng mga metal art pieces. At dahil dito, natanggap niya ang pagbatikos mula kay Jolie- anito bakit winawaldas nito ang pera sa mga junk, sa halip ng pagaabuloy sa mga Charity work.

Mula noong 2009, si Amanda Seyfried ay nananatiling pinakamaganda, pinakadesirable o pinaka-kaakit akit na babae ng iba't ibang fashion magazine, pero, sa likod ng kamera, kung mababanggit ang collection ni Amanda Seyfried, medyo horrifying-mahilig na mahilig siya sa pagkolekta ng mga animal specimen. Gustong gusto niya ang mga hayop, at mas maganda kung patay na sila dahil kumpara sa mga buhay, napaka-easy to take care of ng mga dead. Sa lahat ng kanyang mga koleksyon, paborito niya ang isang maliit na kabayo na kasinglaki ng kanyang aso.

Bilang isang super idol, minsan napabalita si Johnny Depp dahil gustong gusto niya ang pagkolekta ng Barbie dolls, partikular na, mga limited edition, halimbawa, mayroon siyang mga Barbie doll nina Beyoncé, Elvis Presley, at mga leading role ng "High School Musical". Sabi ni Depp, gusto niyang maglaro ng mga Barbie doll kasama ng anak na babae at ito ay pinakamahusay na life skill niya.

Bukod dito, gustong namang mangolekta ng comic book ni Nicolas Cage at malaki ang koleksyon ni Leonardo DiCaprio ang mga action figure.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>