![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Noong unang kalahati ng taong 2016, sa halip ng pagpapalabas ng music, parang abalang-abala ang mga super star sa paglikha ng big event o itatag ang milestone para sa sariling music life. Halimbawa, sa ika-6 na album ni Beyonce na "Lemonade", ang mga music video ng 12 kanta ay naging isang espesyal na pelikula na tinalakay ang love, hatred, betrayal, forgiveness at reunion - isang makatotohanang pagsilip sa love life.
Ayon sa mga music critics, ang "Lemonade" ni Beyonce ay far more than a music album but an art piece.
At si Rihanna naman, hindi maganda ang pagbebenta ng ika-8 album niya na "Anti", pero, mula sa pangalan nito, malalaman nating hindi isang karaniwang pop album ito at sa simula, hindi pinahahalagahan ni Rihanna kung popular o hindi ito, kung kumita ng pera o hindi ito. Anti, anti-pop, anti-participation, anti…lahat. Bilang isa sa mga pinakacharacteristic o pinaka-di-cooperative na artista, para sa kanya, ang pagpalabas ng album ay hindi pay back ng pagmamahal sa mga fans, kundi update ng impresyon ng mga tao sa kanya.
Sa harap ng kompetisyon ng nasabing dalawang popular na popular na female artists, nakatulong ito para sa tagumpay ni Drake. Nang lumikha ng bagong record ng pagbebenta, ang kanyang single ay umakyat sa first place ng Billboard at UK Chart nitong 4 na linggong singkad. Samantala, bukod sa tagumpay na komersyal, ang "View" ni Drake ay isa pang great album sa kategorya ng rap music. Malalim ang tema, masalimuot na music arrangement, habang napapanatili ang popularidad, matapang na sinubok ni Drake ang iba't ibang music elements at ways of production.
Pagkaraang talakayin ang pinakapopular na album sa unang kahalati ng taon ng 2016, titingan natin ang ilang may potensiyal na bagong singer.
Sa North America, ang hottest singer sa taong ito dapat ay si Alessia Cara. Noong katapusan ng 2015, ipinalabas niya ang unang sariling allum at natanggap ang malaking papuri at promosyon mula kay Taylor Swift at inanyayahan siya na maging performing guest sa kanyang world music tour. Bukod dito, natanggap din niya ang pagkilala ng BBC na naging second place ng BBC Voice of 2016.
Sa UK, ang pinaka may potensiyal na bagong singer para sa taong 2016 ay walang iba kundi si Jack Garratt. Winner ng BBC Voice of 2016, winner ng BRITs music awards at pumasok sa nominasyon ng New Artist of Year ng MTV music awards. Bukod dito, siya ay magkakasunod na napili na New Artist of Year ng Itunes, Spotify at Google Play, tatlong pinaka maimpluwensiyang online streaming media. Puwedeng perpektong pinagsama niya ang folk, electric, rock & roll at iba pang music elements, samantala, magaling din siya sa live performance.
Kamakailan, sa Europa, mayroon isa pang popular na little girl na si Zara Larsson. Isinilang sa Sweden, noong 12 taong gulang lamang, nagkampyon siya sa "Sweden Got A Talent", pero, pagkaraan nito, nanatiling low profile siya hanggang noong isang taon, nakipag-collaborate siya kay MNEK at ipinalabas ang kantang "Never Forget You" na agarang pumasok sa Top 20 ng UK Chart, at this year, ang bagong kantang "Lush Life" na magkasamang kinanta nila ni Tinie Tempah ay naging kasalukuyang kanta na may pinakamaraming click rate sa mga bansang Europeo.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |