Si Li Yuchun ay isang nagkakaibang babae sa sirkulo ng musika. Naging kilala siya dahil sa "Super Girl," isang national singing competition TV show sa Tsina. Noong 2005, pagkaraang kumanta si Li Yuchun sa "Super Girl," sinimulan niya ang landas bilang isang artista.
Multi-talented si Li Yuchun at may sariling estilo. Mayroon siyang tomboy image at iginigiit ito sapul nang maging kilala siya. Bawat balita tungkol sa kanya ay tungkol sa kanyang progres. Halimbawa, gumanap siya ng papel sa mga pelikula, tulad ng "The Flying Swords of Dragon Gates" ni Tsui Hark. Nakipagtulungan rin siya sa international fashion designers. Ngayon, siya ang endorser ng watches at jewelry ng Gucci. May balita kamakailan tungkol sa kanya---nagdaos siya ng Growing Wild Tour sa Beijing noong Agosto, kasama ng 4 Chinese super models -- He Sui, Zhao Lei, He Cong and Liu Chang -- walking down the stage. Nakaakit ang concert ng 10,000 fans. Sa concert na ito, nakasuot siya ng 5 costumes na magkasamang idinisenyo ng creative director na si Alessandro Michele ng Gucci at American fashion designer na si Alexander Wang. Ang mga back up dancers niya sa stage ay mula sa United States, Mexico at Spain.