Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Philippine Charity Ball, Diwa ng Bayanihan

(GMT+08:00) 2009-12-18 17:44:53       CRI





"Charity Ball," sa pinagsamang Chinese at Filipino characters.


Hinding hindi ko inaasahang ganoon pala ang Philippine Charity Ball…

Akala ko, sa isang okasyon na mabigat ang paksa, okasyong naglalayong tulungan ang mga ulilang Tsino, mahihirap na batang Pilipino at mga biktima ng bagyong si Ondoy, hindi ka man makakita ng mga luhaang mata, kahit papaano, siyempre medyo malungkot ang mga panauhin o kung hindi man, at least, lumulutang sa hangin ang atmospera ng lungkot…

Pero, taliwas na taliwas sa aking assumption, ang lahat ng aming dinanas ay:

Mga malinamnam na putaheng Pilipino:




Ang sinigang (soup) at shrimp dumpling, lumpia at crisp salmon roll, adobo at garlic fried rice, kare-kare with bagoong at banana sago in coconut milk… Tahimik at maingat na tinikman ko ang mga putaheng Pilipino na para bang nababakas ko ang salamisim hinggil sa Pinas kahit naiisip ko na baka hindi authentic ang lasa para sa mga Pinoy dahil niluto daw ang mga ito ng mga chef na Tsino sa patnubay ng chef na Pilipino.


Masayang musika at sayaw:





Si Miss Nanette Inventor, katangi-tanging entertainer ng Pilipinas, ang inimbitahan din ng lupong tagapag-organisa ng Philippine Charity Ball para bigyang-kasiyahan ang mga panauhing galing sa iba't ibang saray at iba't ibang bansa.


Maligayang pagsasama-sama:





(Mula sa kaliwa) Sina Gng. Chen Jinluan, Gng Xu Xueleng, G. Li Lin, G. Wang Chengshu, Andrea at Mary Song Zhao.


Sina Gng. Chen, Gng Xu at G. Li Lin ay kabilang sa mga tagapagtatag ng Serbisyo Filipino, China Radio International at si G. Wang naman ay dating opisyal ng Chinese People's Association for Friendship with Foreign Countries (CPAFFC). Lahat sila ay isinilang at may education background sa Pilipinas. I bet na kung mag-tatagalog sila halos hindi ninyo mapupuna ang anumang pagkakaiba kumpara sa mga native speakers.

Si Mary Song Zhao ay isa sa aking mga junior na nag-major din sa Philippine Studies Program ng Peking University at kung gusto ninyong ibayo pang malaman ang hinggil sa kanya, mababasa ninyo ang aking previous blog post na pinamagatang "Paano ko kayo matutulungan, mga kaibigang Pinoy na nabiktima ng pagbaha?"




Mula kaliwa pakanan ay sina Andrea, Mary Song Zhao at Tiffany, isa sa mga tagapag-organisa ng Philippine Charity Ball.


Sa paglahok sa Charity ball na ito, na-realize ko na sa pagtugon sa kapahamakan, ang lungkot ay hindi lamang siyang dapat mangibabaw sa atin. Siyempre, naroon lagi ang lungkot, pero, bukod dito, higit na kinakailangan natin ang tapang ng loob, optimismo, pag-asa at higit sa lahat—aksiyon.


Sa kanilang mensahe sa simula ng ball, binanggit nina Jaime FlorCruz at Vlad Reyes, co-chairs ng Philippine Charity Ball, ang "bayanihan", isang tradisyong Pilipino, na humihikayat sa buong komunidad na magbigay-tulong sa mga kapitbahay. Sa kasalukuyang mundo naman kung saan tayo ay buong higpit na nagkakaugnay-ugnay, ang "bayanihan" ay hindi lamang nangangahulugan ng pagtulong sa mga kapitbansa, kundi maging sa komunidad ng daigdig..


Sa kanya namang mensahe, ganito naman ang tinuran ng kagalang-galang na embahador na Pilipino sa Tsina na si Gng. Sonia Cataumber-Brady: "Ang 'Pista', na nagsisilbing tema ngayong gabi, ay isang okasyon ng pagbibigay-tanda sa mahahalagang pangyayari at pagpapahayag ng pasasalamat dahil sa mga tinatanggap na biyaya…"


 

type="video/x-ms-wmv" width="320" height="305">

Tulad ng sinabi ni Embahador Brady, nagtapos ang gabi sa isang "masayang pista."

Sinabi sa akin kamakailan ni Tiffany, isa sa mga tagapag-organisa ng Charity ball, na ang lahat ng nalikom na 150,000 Yuan na donasyon, ay naipadala na sa Beijing Committee for Chinese Orphans (BICCO), Philippine General Hospital CHILD foundation of the University of the Philippines at mga biktima ng bagyong si Ondoy…

Isa pang magandang balita—natanggap ko kamakailan ang email ni Mary Song Zhao na nagsasabing naparating na sa Pilipinas ang donasyon ng Philippine Studies Program ng Peking University para sa mga biktima ng bagyong si Ondoy. At narito ang opisyal na resibo ng Kaisa Para sa Kaunlaran, Inc., isang Chinese-Filipino NGO, at sa pamamagitan ng organisasyong ito, direktang ipapadala ang donasyon sa mga biktimang Pilipino.





Ang official receipt ng KAISA.


Pasensiya na po kayo kung medyo na-delay ang uploading ng blog post na ito. Nahagip ako kamakailan ng grabeng sipon (masuwerte namang hindi ito influenza A H1N1).


Papalapit na ang Pasko at Bagong Taon. Ingat lang tayo. Bawal magkasakit. Mabuhay!


       Home>>                                                                                                   << Blog ni Jade


 

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>