|
||||||||
|
||
Ang kalyeng aking tinutukoy ay hindi isang karinawang kalye. Marami nang napagdaanan ang kalyeng ito noong mga sinaunang panahon sa Tsina at sa kasalukuyan isa ito sa pinakadinadayuhang lugar ng mga lokal na residente at ng mga turista.
mga naggagandahang ilaw sa gabi
Ang Jinli Steet ay matatagpuan na kanluran ng Wuhou Memorial Temple. Nagsimula itong makilala noong panahon pa ng dinastiyang Qin (221 BC -206 BC). Naging matamlay ang lugar nang minsan. At upang ibalik ang sigla nito tulad ng mga nakaraang panahon, inayos, ipinaganda at ibinukas sa publiko noong Oktubre 2004.
mga guhit larawang benta sa jinli street
Matapos naming puntahan ang Wuhou Monastery, dumeretso kami sa Jinli Street dahil magkatabi lamang ang dalawang popular na tourist district sa Chengdu. At tulad ng iba kong paglalakbay, hindi nanaman mahulugang karayom ang dami ng tao dito.
mga masasarap na bola-bola
Iba't ibang aktibidad ang maaari mong sa Jinli Street. Kung hilig mo ang mga makalumang gusali siguradong magugustuhan mo dito dahil punong punong ito ng mga gusaling nagmula pa sa sinaunang panahon ng Tsina. Kung food trip naman ang hanap mo, tamang tama din ang lugar na ito, dahil punung-puno ng mga tradisyonal na snacks ang matitikman dito, mayroon ding mga kanluraning kainan na matatagpuan dito.
Kung nais niyo naman magrelaks at mag-usap, may iba't ibang inuman at kapehan, pinaghalong disenyong lokal at kanluranin, na maaaring puntahan. At kung shopping naman ang hilig mo, iba't ibang tradisyonal na kagamitan ang maaari mong mabili at makita dito.
Ilan sa mga kagamitan iyong makikita ay ang Shu Embroidery, mga handicrafts, paintings at clay figurines, paper-cut at iba pa na talaga namang hindi mo mapipigilan ang sarili na bumili. Hindi mo na kailangan problemahin kung saan bibili at anong mga pasalubong ang bibilhin dahil lahat ay narito na.
Sa kinagabihan, kung papalarin, maaaring ka pang makapanuod ng shadow puppetry show or hand puppet show.
Mula sa mga tradisyonal na kagamitan, gusali, kainan at palabas, mararansan ninyo ang kasaysayan ng Tsina sa modernong kalye ng Jinli.
Related: Wuhou Temple (2011.10.25)
Ang "Makipot at Maluwag na Eskinita" sa Chengdu (2011.10.11)
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |