|
||||||||
|
||
Kung babanggitin ang Inner Mongolia, dalawang bagay agad ang papasok sa isip ng mga taong may kaunting kaalaman hinggil sa lugar na ito, isa ay ang disyerto, ang isa nama'y ay grassland.
Matapos kami maglakbay at magpaikot ikot sa mga buhangin ng disyerto ng Inner Mongolia, ang sunod naman naming pinuntahan ang grassland dito.
Malawak na damuhan ng Inner Mongolia
Gabi na nang kami'y nakarating sa grassland. Mainit kaming binati ng mga local na residente doon, sa aming pagbaba ng bus, agad kaming binigyan ng tradisyonal na inumin ng Inner Mongolia. May halong alcohol ang inuming ito kaya't tama na ang isang baso.
Habang inaayos pa ang aming mga matutulugan, kami'y kumain muna ng hapunan. Hindi malasa ang mga pagkain dito, hindi tulad ng mga pagkain sa Pilipinas na malasang malasa. Maraming gulay habang kaunti lamang ang karneng inihahanda at ang pinakamasarap dito at pinakakilala sa Inner Mongolia ay ang inihaw na karne ng kambing.
Ilang helera ng Mongolian Tent
Ang aming matutulugan dito ay tinatawag na Meng gu Bao or Mongolian tent. Mukha itong tent ngunit ito ay hindi yari sa tela lamang, sementado ito, kaya't siguradong matibay.
Ako'y nagising ng maaga para makita ang pagsikat ng araw, isa lang ang masasabi ko, napakaganda. Dahil siguro sa matagal na akong hindi nakakita ng araw mula nang dumating ako dito sa Tsina.
Maraming aktibidad ang maaaring gawin dito sa grassland, pwede kang mangabayo at pwede ka ring sumakay ng maliit na 4 wheel drive at magpaikot ikot sa grassland.
Mga bata sa tradisyonal na damit ng Inner Mongolia
Hapon na nang kami'y natapos. At kinailangan na naming bumalik sa kuwarto upang magayos ng gamit pabalik ng Beijing.
Maaaring naging maikli ang aking paglalakbay dito ngunit naging makabuluhan ang aking biyahe sa Inner Mongolia.
Related: Inner Mongolia (2011.11.28)
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |