SINABI ni Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay na ang mga usaping administratibo at kriminal ay maaaring iparating sa hukuman sa Pilipinas lalo't ang mga insidente ng sexual harassment, rape, pang-aabuso at pagmamaltrato ay naganap sa compound ng Embahada ng Pilipinas.
Ayon sa pangalawang pangulo, kung kinikilala ang mga embahada bilang extension ng Pilipinas, walang dahilan upang hindi makasuhan ang mga binanggit sa krimen. May obligasyon din ang mga autoridad na hanapin ang nararapat managot.
Magkakaroon ng kaukulang proseso sa kasong kriminal lalo't sinasabing naganap ang krimen sa loob ng embahada, dagdag pa ni G. Binay. Pinuri din niya ang mga kababaihan humarap laban sa iang labor officials. Nararapat ding purihin ang mga kababaihan sa kanilang paglalakas loob, dagdag pa ng pangalawang pangulo.
1 2 3 4