|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Speaker Belmonte nanawagan sa mga bagong halal na mambabatas
KAILANGANG ibigay ng mga bagong kasapi ng House of Representatives ang kanilang magagawa sa pagsasaayos ng pagpapanday ng batas at piliting mahigitan ang nagawa ng nakalipas na Kongreso.
Ito ang buod ng pahayag ni Speaker Feliciano Belmonte, Jr. sa mga bagong luklok na mambabatas. Ani Speaker Belmonte, umaasa ang taongbayan ng magandang magagawa ng mga kongresista.
Sa isang hapunan para sa mga mambabatas na itinaguyod ni UP President Alfredo Pascual sa unang araw ng Executive Course on Legislation na nagbukas sa Executive House ng University of the Philippines sa Diliman kamakalawa, sinabi niya sa 32 bagong luklok na mambabatas na tulad ng UP Community, ang mga mambabatas ay may pinag-isang pananaw ng kabutihan ng balana at magiging epeketibong kinatawan ng mga mamamayan sa Kongreso.
Ipinagpasalamat din niya sa Kongreso sa pamamagitan ni Speaker Belmonte ang pagtataas ng budget ng UP ng may 63% ngayong 2013 sa General Appropriations Act. Nagamit ito sa pagtatayo ng mga makabagong pasilidad at pagkakaroon ng mas bagong kagamitan.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |