![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Embahada ng United Kingdom, suportado ang United Against Torture Coalition
LUMAHOK ang British Embassy sa 7th Annual "Basta! Run Against Torture" na binuo ng United Against Torture Coalition-Philippines sa pakikipagtulungan sa Armed Forces of the Philippines, Commission on Human Rights, Department of Interior and Local Government, Philippine National Police, Bureau of Jail Management and Penology at iba pang grupo na kontra sa torture upang mawala nang tuluyan ang pagpapahirap sa mga bilanggo. Kasabay ito ng United Nations' International Day in Support of Victims of Torture.
Nagsalita si Human Rights Officer Shane Male sa ngalan ni First Secretary Steph Lysaght. Ani Male, kinikilala ng United Kingdom ang torture bilang isang karumaldumal na paglabag sa karapatang pangtao at dignidad ng mamamayan kaya't mariing kinokondena ito. Ikinalulugod ng Embahada ng United Kingdom na makasama ng Pilipinas sa paglalayong magkaroon ng Torture Free Zone. Idinagdag pa niya na sinuportahan ng Embada ang mga gawain ng Commission on Human Rights, Department of Justice, Philippine National Police at Medical Action Group. Lumakas ang pagtutulungan ng magkakabiulang panig.
Ang Pilipinas ay mayroon ding kasaysayan ng mga paglabag sa Karapatang Pangtao. Bilang isang banyagang nagmamasid sa mga nagaganap, nakikita na rin ang mga pagtatangka ng pamahalaan na umiwas sa trahedyang dulot nito.
Pinuri din ni Male ang batas na nalagdaan ng mga autoridad kamakailan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |