Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pakikipag-usap sa Estados Unidos hinggil sa rotational presence, nagsimula na

(GMT+08:00) 2013-08-12 18:43:44       CRI


KALIHIM GAZMIN AT DEL ROSARIO, HUMARAP SA MEDIA. Ipinaliliwanag ni Kalihim Voltaire Gazmin (kanan) ng Tanggulang Pambansa ang kahalagahan ng pakikipagtulungan sa Estados Unidos sa pagkakaroon ng "rotational presence" ng mga kawal Americano.  Nasa larawan din si Kalihim Albert F. Del Rosario ng Ugnayang Panglabas.  (DND Photo)

KAPWA makikipag-usap ang Kagawaran ng Tanggulang Pambansa at Ugnayang Panglabas sa Estados Unidos hinggil sa posibilidad na magkaroon ng mga pagdalaw at pansamantalang pamamalagi ang mga kawal ng ibang bansa sa Pilipinas.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Kalihim del Rosario na mahalaga ito sa pagpapanatili ng seguridad ng mga mamamayan at nasasakupan ng bansa kaya mahalaga ang pagtutulungan sa sa larangan ng diplomasya at tanggulang pambansa.

Nakipagkasundo na umano ang Pilipinas sa Estados Unidos na kaalyado ng Pilipinas sa pagdaragdag ng mga kawal na dadalaw sa Pilipinas. Ngayong linggong ito, kikilos na naman ang diplomasya at tanggulang pambansa upang matiyak ang kaligtasan ng Pilipinas sa pakikipag-usap sa Estados Unidos sa ilalim ng "increased rotational presence" sa pamamagitan ng framework agreement.

Sa panig ng Pilipinas, higit na lalalim ang makasaysayang pakikipag-kaibigan sa Estados Unidos sa pagbibigay-diin sa mga pangako ng Mutual Defense Treaty at Visiting Forces Agreement na magpapanatili ng matatag at mapayapang rehiyon.

Makakaasa umano ang Pilipinas ng mga benepisyo sa pamamagitan ng increased rotational presence na makapagsisimula ang modernization bago pa man makabili ng mga makabagong kagamitan, mapipigil ang anumang pananakop o pagsalakay kahit nagisisimula pa lamang ang modernization at magkakaroon ng "maritime security" at "maritime domain awareness" bago pa man maganap ang modernization.

Ipinangako ni Kalihim del Rosario ang pagpapanatili ng "transparency" sa mahahalagang negosasyon.

Sa press briefing na isinagawa matapos ang mga pahayag nina Kalihim del Rosario at Voltaire Gazmin, sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Carlos Sorreta, na walang katiyakan kung ilang kawal na Americano ang dadalaw sa Pilipinas. Ang natitiyak lamang ay kung ano ang pagkakasunduan ng magkabilang-panig. Hindi hihigit sa apat na pagpupulong sa pagitan ng Pilipinas at America ang magaganap, bagaman hindi matiyak kung gaano katagal ang magiging pag-uusap.

Ang first round ay magaganap sa Miyerkoles at magaganap sa Huwebes ang press briefing. Niliwanag ni Undersecretary Sorreta na hindi panibagong negosasyon sa Visiting Forces Agreement ang magaganap.

Kakatawan sa Pilipinas sina Defense Undersecretary for Legal and Legislative Affairs and Strategic Concerns Pio Lorenzo F. Batino, Justice Undersecretary Francisco F. Baraan III, Foreign Affairs Assistant Secretary, Office of America Affairs Carlos D. Sorreta, at Defense Assistant Secretary Prof. Raymund Jose Quilop.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>