|
||||||||
|
||
Good Conduct Time Allowance, malaking tulong sa decongestion ng mga piitan
MAHALAGA ANG GOOD CONDUCT TIME ALLOWANCE. Ito ang sinabi ni G. Rudy Diamante ng Episcopal Commission on Prison Pastoral Care sa pagharap sa Tapatan sa Aristocrat kaninang umaga. Dumalo rin sina Congressman Neil Tupas (gitna), Chairman ng House of Representatives Justice Committee at Director Franklin Bucayo ng Bureau of Corrections. (Larawan ni Raymond Bandril)
PINANINDIGAN ni Ginoong Rodolfo Diamante ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care na makatutulong ang Good Conduct Time Allowance law na nilagdaan ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III kamakailan upang mabawasan ang bilang ng mga bilanggo sa iba't ibang piitan sa bansa.
Sa idinaos na "Tapatan sa Aristocrat" kaninang umaga, sinabi ni G. Diamante na mahalaga ang batas na ito kaya nga lamang ay wala pang Implementing Rules and Regulations tulad ng batas hinggil sa recognizance. Sa pagkakaroon ng dalawang batas na ito, malaki ang ibaba ng bilang ng mga bilanggo.
Ikinabahal din niya na bagama't nalagdaan na ang Prison Modernization Act ni Pangulong Aquino, wala naman itong nakalaang budget para sa taong 2014.
Sumang-ayon si Congressman Neil Tupas, ang Chairman ng House Committee on Justice at maging si Bureau of Corrections Director Franklin Bucayo na dumalo rin sa pagtitipon.
Binigyang-diin ni Congressman Tupas na malaki ang nakataya ngayong sesyon ng kongreso sapagkat ipinanukala niya ang Criminal Act of 2013 na maglalayong sumabay na ang mga Prosecutor sa mga pulis sa pagsasagawa ng imbestigasyon. Kasabay nito ang pagrerebisa ng Revised Penal Code na binuo noong dekada treinta o 1930s at makikilala sa pamagat na Philippine Code of Crimes
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |