|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Paglilitis ng mga akusada sa Maguindanao Massacre, tuloy pa

Tiniyak ni Atty. Harry Roque, isa sa mga pribadong manananggol na kasama ng mga tagausig na patuloy ang kanilang pagdadala ng mga saksi sa hukuman upang lumabas ang katotohanan sa likod ng malagim na masaker sa Maguindanao noong Nobyembre 23, 2009 na ikinasawi ng may 58 katao. (Larawan ni Melo Acuna)
SINABI ni Atty. Harry Roque na patuloy pa silang nagsusumite ng mga ebidensya laban sa mga akusado sa pagpaslang sa mga mamamahayag at iba pang mga mamamayan sa Maguindanao noong ika-23 ng Nobyembre 2009.
Sa isang panayam, sinabi niyang naitampok na nila si Joseph Jubilar, isang peryodistang kasama sana sa massacre subalit sa pinakahuling pagkakataon ay hindi sumama dahilan sa sama ng tiyan.
Sa kapagharap sa hukuman, sinabi ni Atty. Roque na nakita niya ang kapwa peryodistang si G. Mommay na kasama sa convoy bago umalis sa tahanan ni Regional Assemblyman Ismael Mangungudatu. Naitampok din nila ang mga tauhan ng Commission on Human rights. Nakarating pa sa bayan na pinangyarihan ng krimen ang peryodistang si G. Momay hanggang sa natagpuan na lamang ang kanyang pustiso na kinilala naman ng kanyang kinakasama at ng dentistang gumawa nito.
Ayon kay Atty. Roque, malaki ang posibilidad na magtagal pa ang paglilitis sapagkat 195 ang akusado samantalang 58 katao naman ang biktima. Karaniwang nalilitis ang pagpatay ng limang taon at pagkatapos nito'y maglalabas ng hatol. Sa dinami-dami ng mga akusado at nasawi, may posibilidad na daan kungdi man libong taon ang itatagal bago makapaglabas ng kaukulang desisyon, dagdag pa ni Atty. Roque.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |