|
||||||||
|
||
20130822rhiodito.m4a
|
Kamakailan ay idinaos sa 9th China (Beijing) Garden Exposition sa Distrito ng Fengtai, Beijing ang "Pinakabonggang Marathon sa Buong Daigdig," ang Color Run.
Ito ay isang 5 kilometrong di-inoorasang marathon, kung saan, sinasabuyan ng pulbos na may ibat-ibang ibang kulay ang mga kalahok tuwing makakatapos ng 1 kilometro.
Pagdating sa finish line, isang higanteng "Color Festival" ang isinasagawa, kung saan mas marami pang de-kolor na pulbos ang isinasaboy sa lahat ng kalahok.
Ang Color Run ay isang kakaibang karera, upang ipagdiwang ang kalusugan, kasiyahan, indibiduwalidad, at pagtulong sa komunidad.
Mayroon itong dalawang panuntunan: una, kailangang magsuot ng puting damit sa starting line at panagalawa, kailangan matadtad ng ibat-ibang kulay ang inyong damit pagdating sa finish line.
Nagsimula noong 2012, nagkaroon ito ng mahigit 50 event na nilahukan ng 600,000 mananakbo: ngayong taon, mayroon na itong mahigit 100 event at mahigit 1 milyong kalahok.
Dito sa Beijing, mahigit 10,000 ang lumahok.
Kahit sino ay maaring sumali sa Color Run: mula 2 taong gulang hanggang 80 taong gulang, baguhan man o propesyunal na mananakbo ay maaring sumali.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |