|
||||||||
|
||
20130801ditorhio
|
Kamakailan ay nagtungo sa Beijing ang ating Pambansang Kamao at Fighter of the Decade na si Manny "Pacman" Pacquiao para i-promote ang nalalapit nilang laban ni Brandon "Bam Bam" Rios sa ika-24 ng Nobyembre sa Macau: ito ay pinamagatang"Clash in Cotai."
Idinaos din ang isang press conference sa Park Hyatt Hotel upang ipahayag sa media ang sa loobin ng mga kalahok na boksingero.
Sa preskon, nagsalita at dumalo ang mga personahe na tulad nina Bob Arum, Presidente ng Top Rank Promotions; Ed Tracy, Presidente ng Sands China Limited; Freddie Roach, Trainer ni Manny Pacquiao, Robert Garcia, Trainer ni Brandon Rios; at siyempre, sina Brandon Rios at Manny "Pacman"Pacquiao, at marami pang iba.
Dumalo rin sa nasabing pagtitipon ang mga kilalang personahe at boxing aficionado ng Tsina, kabilang si Zou Shiming, Olympic gold medalist ng Tsina, na ngayon ay isa na ring propesyunal na boksingero sa ilalim ng pagtuturo ni Freddie Roach. Siya rin po ay lalaban sa undercard ng Clash in Cotai.
Pagkatapos ng preskon, pinaunlakan pa ni Pacman ang ilang mga tanong mula sa media sa isang private interview.
Narito at pakinggan natin ang preskon at ating panayam sa Fighter of the Decade at Pambansang Kamao ng Pilipinas na si Manny "Pacman"Pacquiao.
Sina Manny "Pacman" Pacquiao at Lakay Rhio
Pacman at Freddie Roach
Pacman at Brandon "Bam Bam" Rios
Pacman, Zou Shiming (olympic gold medalist ng Tsina), at "Bam Bam"
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |