|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Ika-pitong Teodoro Benigno Memorial Lecture, matagumpay

Makikita si Romeo Gacad, ang chief photographer ng Agence France Press sa Indonesia na nagpapaliwanag sa halaga ng mga larawan sa pamamahayag. Naglingkod na siya bilang photographer sa Kuwait, Iraq at maging sa Afghanistan. Nanawagan siya sa mga mag-aaral na pag-ibayuhin ang kanilang mga gawain sa larangan ng pamamahayag at mga larawan upang mabatid ng lahat ang katotohanan. (Melo Acuna)
PASADO alas dose na ng matapos ang ika-pitong Teodoro Benigno Memorial Lecture na itinaguyod ng Foreign Correspondents Association of the Philippines para sa mga mag-aaral ng Journalism mula sa iba't ibang pamantasan sa Kamaynilaan.
Idinaos ito sa Mandarin Oriental Hotel sa Makati City at kinatampukan ng tanyag na photographer na si Romeo Gacad, Chief Photographer ng Agence France Press sa Jakarta, Indonesia. Sa kanyang magdadalawang oras na lecture, ibinahagi ni Romy ang kanyang mga larawang kuha sa Kuwait, Iraq at Afghanistan na nagpapakita ng mga nagaganap sa iba't ibang larangan ng mga digmaan.
Ipinakita rin niya ang mga larawang kuha sa iba't ibang bahagi ng Asia, sa Pilipinas, Indonesia at Thailand na sumailalim ng mga trahedyang dala ng kalikasan.
Binigyang-diin ni Gacad ang pagkakaiba ng analog at digital photos at ang pagkakaroon ng impluwensya ng teknolohiya sa mga larawan. Pinayuhan niya ang mga mag-aaral mula sa Far Eastern University, University of the East, University of the Philippines. Lyceum, Letran at Philippine Normal University na magpunyaging ilabas ang tunay na larawan mga nagaganap sa kanilang kinaroroonan upang mabatid ng nakararami ang katotohanan.
Ipinakilala ni Jason Gutierrez, Pangulo ng FOCAP si Romy Gacad sa mga lumahok samantalang pinangasiwaan ni retired CBS Correspondent Gabby Tabuñar ang Open Forum.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |