|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Mga kabataan, tumulong din sa relief operations
SA mapaminsalang pag-ulan at baha sa Metro Manila at mga kalapit lalawigan, mga kabataan ang kabilang sa mga unang tumugon sa relief operations.
Ang Commission on Youth sa Novaliches ang tumulong sa relief operations na inilunsad ng Caritas sa kanilang nasasakupan. Nanawagan din sila sa mga kabataang lumahok sa relief operations sa kanilang mga parokya.
Ang iba't ibang koponan ng Student Catholic Action of the Philippines ang nagsagawa ng kanilang relief efforts sa kanilang mga nasakupan. Mayroon silang mga chapter sa Metro Manila, sa Tarlac State University, sa UP-Diliman at sa Archdiocese of Manila.
Para sa mga kasapi ng SCA sa Global City Innovative College, maaaring dalhin ang kanilang mga relief goods sa PET Plans Annex, 444 EDSA, Makati City malapit lamang sa San Carlos Seminary.
Ang mga kasapi ng Couples for Christ Foundation for Family and Life ay nagtayo rin ng kanilang relief center sa StarMall. Isinasaayos nila ang relief goods para sa mga taga-Laguna, Cavite at ilang pook sa Metro Manila.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |