|
||||||||
|
||
20130829ditorhio.m4a
|
Isa sa mga pinakakilalang sports ngayon sa Pilipinas, Amerika, Europa, Brazil, Japan, at iba pang bahagi ng mundo ang Mixed Martial Arts (MMA).
Ito ay bagong uri ng contact sports kung saan ang pangunahing sangkap ay Brazilian Jiu-Jitsu (BJJ) at hinaluan ng iba pang uri ng martial arts na katulad ng boxing, muay thai, kickboxing, karate, at wrestling.
Nagsimula itong makilala noong dekada nobenta sa pamamagitan ng isang kompetisyon sa Amerika na kung tawagin ay Ultimate Fighting Championship (UFC).
Sa pamamagitan ng mga manlalarong katulad nila Royce Gracie, Ken Shamrock, Randy Couture, Anderson Silva, George St. Pierre, Lyoto Machida, Jon "Bones" Jones, at marami pang iba, unti-unting umangat ang katayuan ng MMA sa mundo ng palakasan; at sa kasalukuyan, patuloy pang dumarami ang mga gustong mag-aral nito.
At dahil sa katanyagan ng MMA, maraming mga kompetisyon ang sinisimulan sa Tsina at iba pang dako ng daigdig, taun-taon: patuloy din ang pagbuhos ng mga bagong manlalarong nagbibigay-kulay sa isports na ito. Ngunit, dahil sa dami ng mga magagaling na manlalaro, hindi ganoon kadaling makilala at mapabilang sa mga manlalarong may kontrata sa UFC.
Para mabigyang pagkakataon at madiskubre ang mga magagaling na manlalaro ng MMA sa lahat ng sulok ng mundo, sinimulan ng UFC ang reality TV show na "The Ultimate Fighter." Ang palabas na ito ang nagsisilbing plataporma para sa mga bago, ngunit magagaling na manlalarong may potensyal, na maging kampeon sa UFC.
Ilan sa mga tanyag na manlalarong nagmula sa programang ito ay sina Chris Leben, Kenny Florian, Diego Sanchez, Josh Koschek, Roy Nelson, Kimbo Slice, at maraming marami pang iba.
At ngayon, pagkatapos ng mahabang negosasyon, sa wakas, narito na sa Tsina ang "The Ultimate Fighter."
Katatapos lang isagawa ang mga awdisyon sa ibat-ibang lunsod ng Tsina noong isang buwan, at nakatakda itong isahimpapawid sa Disyembre ng taong ito, o sa unang dako ng susunod na taon.
Ang mga nag-audition para sa TUF China
Mark Fischer, Vice President at Managing Director ng Ultimate Fighting Championship Asia
Zhang Tiequan, kauna-unahang manlalarong Tsino na nakasali sa UFC
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |