Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kung Fu at Wu Shu, ano ang pagkakaiba?

(GMT+08:00) 2013-09-05 16:09:31       CRI

Dito po sa Tsina, napakaraming mga dayuhan ang dumadayo upang mag-aral ng Chinese Kung Fu, lalo na sa probinsyang Henan, kung saan nagmula ang isang estilo ng Chinese Kung Fu na kung tawagin ay "Estilong Shaolin."

Pero, ano nga ba ang Kung Fu at Wu Shu? Ano ang kanilang pagkakaiba? Ang salitang Kung Fu ba ay nangangahulugang martial art ng Tsina?

Sa totoo lang, ang salitang "Kung Fu" ay pangkalahatang termino na nangangahulugang "Martial Arts," at hindi espisipiko sa "Chinese Martial Arts." Kapag sinabing "Kung Fu," nabibilang dito ang lahat ng uri ng martial arts, na gaya ng Brazilian Jiu-jitsu, Wrestling, Judo, Boxing, Aikido, Kendo, Taekwondo, Karatedo, Muay Thai, Arnis, Krav Maga, at marami pang iba.

Sa kabilang dako, ang salitang "Wu Shu" naman ang tumutukoy sa "Chinese Martial Arts."

Ibig sabihin, ang Shaolin Style, Wing Chun Style, San Da, Tai Chi, Five Animal Style, Drunken Style, at marami pang iba ay mga estilo ng "Wu Shu o Chinese Kung Fu."

At ang "Wu Shu" ay nahahati sa dalawang uri: ang "External Style at Internal Style."

Ang "External Style" ay nakapokus sa pagpapalakas ng pisikal na katawan at agresibong mga teknik upang magapi ang kalaban, at kadalasang ginagamit ito na pang-atake. Samantalang ang "Internal Style" naman ay nakatutok sa pagdedebelop ng "Qi" o internal energy at mga di-agresibong teknik, kadalasan itong ginagamit sa pagtatanggol ng sarili.

Maraming estilo ng "Wu Shu" ang nasa ilalim ng dalawang kategoryang ito. Isang halimbawa sa External Style ay Estilong Shaolin, samantalang sa Internal Style naman ay Tai Chi.

Ang Estilong Shaolin ay matigas, malakas, at mabilis. Ito rin ay direkta at may praktikal na aplikasyon. Ang mga mag-aaral nito ay natututong dumepensa at umatake, ngunit mas nakapokus ito sa pag-atake. Nahahati ang Estilong Shaolin sa dalawang (2) uri, Estilong Shaolin ng Hilaga at Estilong Shaolin ng Timog. Ang Estilong Shaolin ng Hilaga ay nakapokus sa pag-aaral ng atake sa pamamagitan ng mga paa, samantalang ang Estilong Shaolin ng Timog ay nakakonsentra sa pag-aaral ng atake sa pamamagitan ng mga kamao.

Ang Tai Chi ay malumanay, mabagal, at nagpapakalma ng damdamin. Ito rin ay tinatawag na "moving meditation" at ginagamit na pandepensa lamang. Ito ay may prinsipyong "gamitin ang sariling puwersa ng kalaban upang siya ay magapi."

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>