Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Hukuman, ipinag-utos ang pagdakip sa mga pulis na sangkot sa isang malagim na insidente

(GMT+08:00) 2013-09-20 19:34:12       CRI

Pagtutulungan ng pamahalaan at pribadong sektor laban sa katiwalian, kailangan

NAGSAMASAMA ang mga kinatawan ng tatlong sangay ng pamahalaan at mga mangangalakal sa Third Integrity Summit kahapon sa Makati Shangri-La Hotel kahapon upang pag-ibayuhin ang kampanya laban sa katiwalian.

May temang "Building a Nation with Integrity," naging panauhin sina Chief Justice Ma. Lourdes Sereno. Senate President Franklin Drilon at Budget Secretary Florencio Abad na kinatawan ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III. Layunin ng pulong na palakasin ang pagtutulungan upang maiwasan ang katiwalian.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni G. Roni Dwi Susanto, ang Research Developmenty Director ng Komisi Pemberantsan Korupsi na 100% ang natatamong conviction rate ng kanilang tanggapan sa bawat usapin ipinaabot laban sa mga tauhan at opisyal ng pamahalaan. Naibalik din sa pamahalaan ang halagang $ 80 milyon na nakulimbat ng mga naipagsakdal. Umabot sa 72 mga mambabatas, pitong ministro, siyam na gobernador, 33 punongbayan, pitong election commissioners, apat na ambassador, isang gobernador ng bangko sentral, anim na hukom, dalawang tagausig at isang imbestigador ng kanilang tanggapan ang naipakulong mula ng mabuo noong 2003.

Sinimulan ng European Chamber of Commerce of the Philippines at Makati Business Club noong 2010 ang integrity summit at layuning tulungan ang pamahalaan sa paglaban sa korupyon at magkaroon ng level playing field para sa mga mangangalakal.

May 1,000 mga kumpanya at 39 na ahensya ng pamahalaan ang lumahok sa panunumpang lalabanan ang katiwalian.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>