Kalinisan ng evacuation centers, tiniyak
UMAASA si Kalihim Corazon Juliano Soliman ng Department of Social Welfare and Development na makakatulong ang 9,500 hygience kits na may lamang sabon, detergent, tuwalya at timba sa mga evacuees na nasa Joaquin Enriquez Sports Complex na matiyak ang sanitation at kalinisan ng pook. Nagbigay na rin ang pamahalaan ng mga gamit sa kusina, mga banig at malong sa mga pamilyang apektado ng sagupaan ng mga kawal at Moro National Liberation Front-Misuari faction.
Nakapaglagay na rin ng 33 portalets o portable toilets sa grandstand area bilang pangdagdag sa mga toilet facilities sa sports complex. Apat na portalets ang inilagay sa Cawa-Cawa Blvd. para sa mga Badjao. Nagbibigay ng tubig ang Philippine Red Cross at Zamboanga City Water District.
1 2 3 4